ERIC POV Sobra akong nag alala kay Chantal kagabi dahil diniliryo ito sa sobrang taas ng lagnat. Dahil sa sobrang taas ng lagnat nito ay paulit-ulit niyang binibigkas ang mga katagang, "Mahal na mahal kita Eric", sinasabi ko na nga ba tama ang kutob ko na mahal parin ako ng baby ko. Maaga akong gumising ngayon dahil naghanap ako ng halamang gulasiman para itapal sa sugat ni Chantal, ang sabi sa amin sa training ay makakatulong ito upang mawala ang pamamaga, pagbalik ko sa tent namin ay gising na ito at nag iiyak, "Eric asan ka na ba, bakit iniwan mo na naman ako?" kinig kong sabi nito habang umiiyak. "Ehem" tikhim ko na agad nitong narinig. Tumingin ito sa akin, "Saan ka ba galing? Bakit ang tagal-tagal mo?" mga tanong nito sa akin habang nahikbi. Ngumiti ako at hinaplos ko ang pisng

