CHANTAL POV Hindi ako nakatulog kagabi dahil hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan muli, natatakot akong masaktan uli tulad noon at aminado ako ngayon na mahal ko parin siya pero mas nangingibabaw ang galit ko para sa kanya dahil siya ang lubos kong sinisisi bakit namatay ang anak namin. Maaga kaming gumising kanina at ngayon ay nagsisimula na kaming umakyat ng Mt. Banahaw, manghang mangha ako sa nadadaanan namin ni Eric na malalaking puno at malalaking bato na ang sabi ng matatanda ay tubig at bato ang laman nitong Mt Banahaw, "Eric pagod na ako pahinga naman tayo" reklamo ko ng makaramdam ako ng sakit sa mga binti ko. Ngumiti ito, "mamaya na tayo mag pahinga pagdating natin sa may talon" mabilis nitong tugon. Gustuhin ko mang umangal wala akong nagawa dahil hanggang ngay

