ERIC POV Andito ako ngayon sa America upang hanapin si Chantal, pero sa laki ng America ay hindi ko alam kung saan ko ito hahanapin, "Kung kailan kasi kailangan ko ng tulong ni Jonathan ay wala na din pala ito sa Pinas, at ang iba pang kaibigan naman ni Chantal ay walang alam na umalis si Chantal. "Baby ko asan ka na ba?" tanging bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako dito sa Santa Monica Pier nagbabakasakaling makita ko dito si Chantal pero bigo ako. Sunod kong pinuntahan ang Griffith Park pero wala paring Chantal akong nakikita, "Chantal asan ka na ba?" muling bulong ko. Pumunta naman ako ngayon dito sa Hollywood Boulevard kung saan aksidente kong makita ang shooting ng movie ni Tom Cruise na isa sa pinaka tinitilian ni Chantal kaya napangiti ako ng maalala ko ang babaeng mahal

