CHANTAL POV Nakatulog yata ako buong biyahe namin pauwi ng Tayabas dahil nagising ako sa tapik ni Eric. "Baby ko, gising na andito na tayo," paggising sa akin ni Eric. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa labas na nga kami ng mansyon namin. "Baby ko, bakit ngayon mo lang ako ginising? Hindi tuloy ako nakabili ng buko pie sa San Pablo!" sabi ko na may halong inis, dahil nag-promise ako sa Yaya Lota ko na papasalubungan ko siya ng buko pie na special delicacy ng San Pablo. Ngumiti si Eric. "Huwag ka nang magalit, dahil tumigil naman ako sa San Pablo kanina. At nagbili din ako ng buko pie at ng macapuno na paborito mo," nakangiting sabi ni Eric sa akin na nagpawala ng inis ko. Ngumiti ako kay Eric. "Talaga?" paninigurado ko sa kanya na mabilis siyang tumango habang nakangiti

