Ilang buwan na ang nakalilipas buhat ng mangyari ang aksidente kina Alexandra at Camilla na siyang labis na hindi makalimutan ng dalaga. Nasaktan man si Alexandra dahil hindi niya akalain na lolokohin lamang siya ng taong labis niyang pinagkatiwalaan pinili na lamang ng dalaga na kalimutan ang bagay na iyon, lalo na’t ayaw na niyang maalala pa ang nakaraan kung paano siya nagmukhang tanga sa pag-aakalang magiging kakampi niya ang taong iyon. Kapag naaalala ni Alexandra ang bagay na iyon natatawa na lamang ang dalaga sa kaniyang sarili sapagkat hindi niya akalain na sobrang tanga pala niya noon. Kahit na ganoon ang nangyari sa kaniya nagpapasalamat pa rin siya sapagkat nakilala niya ang lalaking magbibigay halaga sa kaniya. Sa ilang buwan na panliligaw sa kaniya ni Cameron nakapagdesisyon n

