Kararating lamang ni Cameron sa mansyon nila galing sa opisina niya nang bigla na lamang siyang magtaka dahil sa naging bungad sa kaniya ng mga katulong nila. Buhat nang magaling siya sa Club, sa halip na magtungo kaagad sa mansyon nila ay nagpasiya muna ang binata na dumaan sa kompanya niya upang bisitahin ang kaniyang sekretarya na hindi pa rin sumusuko na muling makababangon ang Clarke Empire. Kahit na malapit ng mag-alas-nueve ng gabi ay patuloy pa rin si Floryn sa pagtatrabaho sa kompanya niya. Halos ilang oras din ang itinagal ni Cameron sa kompanya niya bago siya magtungo sa kanilang mansyon. Dahil sa nakitang reaksyon ng mga katulong nila hindi malaman ni Cameron kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan. Kung kaya’t kaagad niyang hinanap ang kaniyang ina’t ama upang tanungin kun

