Nang mapansin ni Cameron na tuluyan ng nakatulog ang dalaga walang pagdadalawang-isip ang binata na binuhat si Alexandra upang dalhin sa kaniyang kwarto. Hindi naman mawala-wala sa kaniyang labi ang matamis na ngiti sapagkat hindi pa rin siya makapaniwala na muling nagbalik si Alexandra na akala niya ay hindi na muli pa niyang makikita ang dalaga. Isama mo pa rito ang katotohanan na para bang tumitingin siya sa salamin kapag pinagmamasdan niya ang anak ni Alexandra na malakas ang kutob niya na siya ang ama ng bata, lalo na’t kamukhang-kamukha niya ang munting supling ng dalaga. Sa isiping iyon hindi na naman mapigilan ni Cameron na mapangiti na parang isang timang sapagkat hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na kinikilig siya kapag naiisip ng binata na siya ang ama ng anak ni Alexand

