Lumipas pa ang mga araw ngunit hindi na muling nagpakita pa si Alexandra buhat nang umalis ang dalaga sa mansyon ni Cameron. Sa biglang pag-alis ni Alexandra pakiramdam ni Cameron ay nawalan na rin ng saysay ang buhay niya, lalo na't saka lamang napagtanto ng binata na lubos na mahalaga sa kaniya ang dalaga sa kabila ng nalaman niya tungkol dito. Kaya naman labis ang pagsisisi na kaniyang nararamdaman dahil mas inuna pa niya ang galit na bumabalot sa kaniyang puso dahil sa lihim ng dalaga. Isama mo pa rito na kahit anong paraan na ng paghahanap sa dalaga ay hindi pa rin niya ito makita na mas lalong ikinainis ni Cameron sa kaniyang sarili. Kung kaya't walang ibang ginawa ang binata kundi ang lunurin ang kaniyang sarili sa alak, dahil hindi pa rin niya matanggap na iniwan na siya ni Alexand

