Matapos nilang mag-umagahan kaagad na tumayo si Cameron mula sa kinatatayuan niya upang magpahangin sa labas ng mansyon niya. Bagamat napapansin ni Cameron ang pang-iinis ni Alexandra kay Krisha hindi na lamang ito pinansin pa ng binata, lalo na’t alam niyang wala naman siyang magagawa sa mga ito. Bukod dito, alam din ni Cameron na nauna si Krisha na magtaray kay Alexandra sapagkat nakita niya nag buong pangyayari kani-kanina lang. Nasa kalagitnaan ng malalim niyang iniisip si Cameron nang bigla na lamang sumulpot sa gilid niya si Alexandra na may malapad na ngiti na nakapaskil sa labi ng dalaga. Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ni Cameron ay bigla na naman siyang nag-init nang mapagmasdan niya ang magandang hubog ng katawan ng dalaga. Isama mo pa rito, ang naglalakihang bundok ni Alexandra na para bang inaakit siyang hawakan ang mga ito. Bago pa siya makagawa ng pagkakasala sa dalaga isang pagtikhim muna ang pinakawalan ni Cameron bago kausapin si Alexandra na nakangiti pa rin sa harapanan niya.
“May kailangan ka ba, Alexandra?” Nakakunot ang noo na pagtatanong naman ni Cameron sa dalagang nasa harapan niya.
Isang pag-iling muna ang pinakawalan ni Alexandra bago sagutin ang tanong dito ni Cameron. “Wala naman. Itatanong ko lang sana kung saan ka pupunta.”
“Pupunta ako sa palayan. Bibisitahin ko muna ang ilan sa mga trabahador ko roon. Bakit?”
“Pwede ba akong sumama?”
“Pwede naman. Sigurado ka ba, Alexandra? Mainit doon sa palayan. Batay pa lamang sa kutis mo natitiyak kong hindi ka sanay maarawan.”
“Huwag kang mag-alala sa akin. Ayos lang ako. Kaysa naman dito lang ako sa mansyon buong maghapon.”
Isang tango na lamang ang naging sagot ni Cameron bago magsimulang maglakad patungo sa likuran ng mansyon niya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Alexandra nang makita nito ang isang malaking kabayo na nakatali habang umiinom ng tubig. Ang mas lalo pang ikinalaki ng mata ni Alexandra ay nang lumapit sa itim na kabayo si Cameron habang nakapamulsa na akala mo ay isang modelo na rumarampa sa gitna ng entablado. Doon din napansin ni Alexandra ang kasuotan ni Cameron na akala mo’y isang cowboy sa mga palabas na napapanood ng dalaga.
“Is there something wrong, Alexandra?” puno ng pagtataka na pagtatanong naman ni Cameron sa dalaganag si Alexandra.
“Anong gagawin mo diyan sa kabayo?” Pagtatanong naman ni Alexandra bago ituro ang itim na kabayo.
“Dito tayo sasakay.”
“What? Are you sure? Diyan talaga tayo sasakay? Hindi ba pwedeng sa sasakyan mo na lang.”
“Hindi pwede. Lubak-lubak ang dadaanan natin kaya hindi pwede ang kotse ko. Ano sasama ka ba o hindi?”
“Sasama ako.”
Wala namang sinayang na oras si Cameron at kaagad na inalis ang kabayo niya sa pagkakatali bago haplusin ang ulo ng alaga niya. Kasabay naman nito ay ang pagtingin ni Cameron sa gawi ni Alexandra na para bang hindi alam ang gagawin kung paano sasakay sa kabayo. Nang tuluyan nang makalapit ang dalaga sa gawi ni Cameron, kaagad naman itong binuhat ng binata upang maisakay sa kabayo. Bahagya naman napatili si Alexandra nang hindi sinasadyang mahawakan ni Cameron ang gilid ng naglalakihan nitong bundok na siya namang ikinahingi agad ng pasensya ng binata. Sumunod naman nito ay sumakay na rin sa kabayo niya si Cameron at ganoon na lamang ang pagmumura niya sa kaniyang isip ng malanghap niya ang mabangong aroma na nanggagaling kay Alexandra. Muli na namang napamura sa kaniyang isip si Cameron nang maramdaman niyang bahagyang nanigas ang sandata niya dahil sa mabangong amoy ni Alexandra.
“Kumapit ka lang sa tali kung ayaw mong mahulog. Maliwanag ba, Alexandra?”
“Oo. Naiintindihan ko, Sungit.”
“Anong itinawag mo sa akin?”
“Wala iyon.”
Imbis na kulitin pa si Alexandra kaagad na pinatakbo ni Cameron ang kabayo niyang si Dash. Kasabay naman nito ay ang pagsalubong sa kanila ng sariwang hangin na siyang dahilan upang mas malanghap niya ang mabangong aroma ni Alexandra. Doon din napansin ni Cameron ang ilang tauhan niya na manghang-mangha na nakatingin kay Alexandra na akala mo’y nakakita ng anghel ang mga ito. Kulang na lamang ay humugis puso ang mata ng mga ito dahil sa atraksyon ng mga ito sa dalagang nasa harapan niya. Kung kaya’t hindi maintindihan ni Cameron ang sarili niya kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng inis sa mga ito dahil lamang sa pagtitig ng mga trabahador niya kay Alexandra. Hindi pa nagtagal ay nakarating na sila sa bukid na siya namang ikinamangha ni Alexandra. Akmang pababa na sana si Alexandra sa kabayo nang bigla na lamang itong pinigilan ni Cameron.
“Hindi ka pwedeng bumaba, Alexandra.”
“Ha? E, ano gagawin natin dito?” naguguluhang pagtatanong naman ni Alexandra kay Cameron.
“Sa Hidden Falls ang sadya ko. Tiningnan ko lang sila kung ayos ba ang trabaho nila.”
Sa narinig ni Alexandra kaagad na kumislap ang mata ng dalaga lalo na’t hindi nito inaasahan na may falls pala na pwede nilang puntahan. Kung kaya’t hindi na makapaghintay pa si Alexandra na makarating sa Hidden Falls lalo na’t gusto ng dalaga na magbabad sa malamig na tubig. Isama mo pa rito na pakiramdam ni Alexandra ay nanlalagkit na ito dahil sa tindi ng init. Samantalang si Cameron naman ay mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng kabayo niya sapagkat hindi na siya makapaghintay pa na makapagtampisaw sa malamig na tubig sa Hidden Falls. Mayamaya pa’y nakarating na sila sa Hidden Falls at ganoon na lamang ang pasasalamat ni Cameron sapagkat maiibsan na niya ang init ng kaniyang nararamdaman. Maingat naman siyang bumaba sa kaniyang kabayo bago alalayan si Alexandra sa pagbaba rin nito sa alaga niyang si Dash.
“Ikaw na bahala diyan sa alaga mo, Sungit.”
Sasagot pa sana si Cameron nang bigla na lamang nagtatakbo si Alexandra at walang pagdadalawang-isip na tumalon sa malamig na tubig na siyang ikinasigaw ng dalaga. Sa hindi malamang dahilan natagpuan na lamang ni Cameron ang kaniyang sarili na nakangiti habang pinagmamasdan si Alexandra na abala na sa paglangoy sa malamig na tubig. Isang pag-iling na lamang ang pinakawalan ni Cameron nang mahalata niya ang kulay pulang panloob ni Alexandra na siyang nagtataklob sa malulusog nitong dibdib. Hindi naman mapigilan ni Cameron na mapatiim ang bagang nang maramdaman niyang mas lalong nanigas ang sandata niya na para bang gusto nang kumawala sa loob ng pantalon niya. May init mang nararamdaman pinili na lamang ni Cameron na kalimutan ito at mabilis na naghubad ng kaniyang damit at isinunod naman niya ang pantalon niya at itinira lamang niya ay ang boxer niyang itim.
“OMG, sungit! Ang laki naman niyang alaga mo!” Nanlalaking mata na litanya naman ni Alexandra kay Cameron.
“Eyes on me, Alexandra. Hindi ‘yang kung saan-saan nakararating ang mata mo!”
“Nagsasabi lang naman ng totoo e!”
“Manahimik ka nga diyan! Ka-babae mong tao ang manyak mo!”
“Ako pa talaga ang manyak? Hindi ba pwedeng ina-appreciate ko lang ang biyayang nasa harapan ko.” Nakangising sagot naman ni Alexandra bago tumawa na akala mo’y wala ng bukas.
Muli na lamang napailing si Cameron bago lumusong sa malamig na tubig. Kasabay naman nito ay ang paglangoy ng binata papalayo sa gawi ni Alexandra na abala pa rin sa ginagawa nito. Nang tuluyan nang makalayo si Cameron sa gawi ni Alexandra mabilis na isinandal ng binata ang kaniyang sarili sa bato na nasa likuran niya bago ilabas sa boxer niya ang tigas na tigas na niyang sandata. Laking pasasalamat na lamang ni Cameron at hindi makikita ni Alexandra ang pagpapaligaya niya sa kaniyang sarili dahil sa nakalubog ang kalahati niyang katawan sa tubig. Nagsimula namang magtaas-baba ang kamay ni Cameron sa tigas na tigas niyang sandata habang kagat-kagat ang pag-ilalim niyang labi. Gusto mang magpakawala ni Cameron ng ungol ngunit hindi niya ito magawa lalo na’t nababahala ang binata na baka mapansin siya ng dalaga na nagsasarili habang nakababad sa malamig na tubig.
“Fvck! Where is she?” may pagtatakang tanong naman ni Cameron sa kaniyang sarili.
Halos lumuwa naman ang mata ni Cameron nang bigla na lamang sumulpot sa harapan niya si Alexandra na may malapad na ngiti sa labi nito. Sa biglang pagsulpot ni Alexandra sa harapan niya mabilis na napatigil si Cameron sa kaniyang ginagawa, lalo na’t ayaw niyang makahalata ang dalaga sa kaniyang ginagawa. Mas lalo pang nanlaki ang mata ni Cameron nang mas lalo pang lumapit sa kaniya si Alexandra na bahagyang napatigil nang may matigas na bagay ang tumama sa puson nito. Napanganga na lamang si Alexandra nang mapagtanto ng dalaga kung ano ang ginagawa ni Cameron na mukhang naudlot dahil sa biglang pagsulpot nito.
“Fvck! I’m sorry, Cameron! Hindi ko alam na pinapaligaya mo pala sarili mo.”
Akmang lalayo na sana si Alexandra kay Cameron nang bigla na lamang itong magulat sa ginawa ng binata. Dahil sa hindi na mapigilan pa ni Cameron ang kaniyang sarili kaagad niyang nilunod ng halik niya si Alexandra na bahagya pang nagulat dahil sa ginawa niya. Ang inaasahan ni Cameron ay magagalit sa kaniya si Alexandra ngunit napagtanto na lamang ng binata na nakikipagsabayan na rin sa paghalik ang dalagang nasa harapan niya. Hindi naman maiwasan ni Cameron na ilakbay ang kamay niya sa katawan ni Alexandra nang maramdaman niyang bahagyang sinipsip nito ang kaniyang dila. Kaya naman mas lalong naghumindig ang sandata ni Cameron habang nilalamas na niya na para bang nagmamasa ng tinapay ang malulusog na dibdib ni Alexandra.
“You’re so hot, Alexandra!”
“I know! I know, Cameron!”
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Cameron at kaagad na hinubad ang suot na damit ni Alexandra bago isunod ang pula nitong panloob na nagtatakip sa malulusog nitong dibdib. Kaagad namang isinubo ni Cameron ang n*pple ni Alexandra na akala mo’y isang bata na uhaw sa gatas ng isang ina. Dahil sa ginawa niya malakas na napaungol si Alexandra dahil sa sarap na nararamdaman nito habang ang kamay naman ng dalaga ay nagtatas-baba na sa tigas na tigas na sandata ni Cameron. Akmang huhubarin na sana ni Cameron ang pang-ibabang saplot ni Alexandra nang marinig niya si Mang Kanor na isinisigaw ang pangalan niya. Nabibitin man ay walang tanging nagawa sina Cameron at Alexandra kundi ang ayusin ang sarili nila sa takot na maabutan sila na may milagrong ginagawa sa malamig na tubig na nagtatakip sa katawan nila. Hindi pa nagtagal ay parehas na silang umahon sa tubig habang nababakas sa mukha nina Cameron at Alexandra ang matinding pagkabitin sa ginawa nila kani-kanina lang. Kasabay naman nito ay ang pagsulpot ni Mang Kanor na habol pa ang hininga habang nababakas sa mukha ng matanda ang matinding pagkabalisa. Sa naging reaksyon ni Mang Kanor kaagad na nakaramdam ng kaba si Camerom na siyang labis niyang ikinabahala.
“May problema ba, Mang Kanor?” kaagad na tanong naman ni Cameron sa matandang nasa harapaan nila.
“Mayroon po, Senyorito. Iyong fiance ninyo po nagwawala sa labas ng mansyon ninyo.”
“Fiance?”
“Opo, Senyorito. Si Ma’am Sabel po.”
Sa narinig ni Cameron walang sinayang na oras ang binata at mabilis na sumakay ng kabayo niya pabalik ng mansyon niya. Habang naiwan namang tulala si Alexandra sapagkat hindi akalain ng dalaga na ikakasal na pala ang lalaking kahalikan nito kani-kanina lang. Kaagad namang nakaramdam ng pagkapahiya si Alexandra sa sarili nito lalo na’t nagpadala ang dalaga sa init na nararamdaman nito. Sa halip na bumalik sa mansyon nagpasiya ang dalaga na maiwan na lamang sa Hidden Falls, lalo na’t ayaw nitong makita ang babaeng ikakasal kay Cameron. Isama mo pa rito, wala rin lakas ng loob si Alexandra na bumalik sa mansyon ni Cameron, lalo na’t nandoon ang babaeng ikakasal sa binata. Bukod dito, wala rin itong mukhang ihaharap sa babaeng ikakasal kay Cameron, lalo na’t aminin man o hindi ni Alexandra sa sarili nito, pakiramdam ng dalaga ay napakalaking kasalanan ang nagawa nito.
“Halika ka na, Senyorita, sumabay ka na lang sa akin.”
“Naku, huwag na po, Mang Kanor. Gusto ko pa po kasing magbabad sa malamig na tubig sa lugar na ‘to.”
“Sigurado ka ba, Senyorita? Kaya mo bang mag-isa? Pwede naman kitang hintayin na lamang matapos.”
“Nakakahiya naman po sa inyo, Mang Kanor. Ayos lang po ako rito.”
Nag-aalangan man ay walang nagawa ang matanda kundi ang iwanang mag-isa si Alexandra. Nang mapag-isa na ang dalaga, muli itong nagbabad sa malamig na tubig upang kalimutan ang kasalanang nagawa nito kanina. Sa hindi malamang dahilan natagpuan na lamang ni Alexandra ang sarili nito na paisa-isa nang bumabagsak ang luha dahil sa sakit na nararamdaman ng dalaga. Nasasaktan man sa nangyari pinili na lamang ni Alexandra na kalimutan ang nangyari sa kanila ni Cameron na pakiramdam ng dalaga ay ginagawa lamang itong parausan ng binata. Hindi naman maiwasan ni Alexandra na makaramdam ng galit kay Cameron, lalo na’t pakiramdam ng dalaga ay pinaglaruan lamang ito ng binata.