Malalim na ang gabi nang magising si Cameron buhat sa kaniyang mahimbing na pagtulog. Kaagad namang sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya nang makita niyang mahimbing na natutulog si Alexandra katabi ang anak nila habang yakap-yakap ng kasintahan niya ang bata. Bagamat hindi pa sila ganoong nagkakaayos ni Alexandra malaki pa rin ang pasasalamat ni Cameron, sapagkat hinayaan siya ng dalaga na magpaka-ama sa anak nilang si Damien. Kung kaya’t nangako si Cameron sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maipakita kay Alexandra na seryoso siya sa paghingi niya ng tawad dito. Sa isang linggong nakalipas nagbalik na sa dati ang estado ng Clarke Empire at nakahanap na rin sila ng mga empleyado na karapat-dapat sa kompanya niya. Kaya naman walang paglagyan ang say

