Ilang oras pa ang itinagal ng biyahe nina Vale at Camilla hanggang sa makarating sila sa isang mansyon na nakatayo sa gitna ng kagubatan. Sa hindi malamang dahilan hindi maiwasan ni Camilla na makaramdam ng takot sapagkat hindi niya alam kung saan ba siya dinala ni Vale. Isama mo pa rito na hindi rin niya alam kung paano pa niya matatakasan si Vale ganoong hindi siya pamilyar sa lugar. Sa halip na magmatigas pa, hinayaan na lamang ni Camilla si Vale sa nais nitong gawin, lalo na’t alam ng dalaga na kahit anong pagmamatigas ang gawin niya, hindi niya matatakasan ang lalaking sumira sa buhay niya. Kaya naman ang lahat ng galit na akala ni Camilla na nakalimutan na niya ay tila ba nagbabalik isa-isa nang muli silang magkausap ni Vale. Noong una akala ni Camilla na hindi na niya makikita pa si

