Malapit ng sumapit ang alas-nueve ng umaga nang makapag-ayos si Alexandra, lalo na’t kailangan pa nilang maghanap ng matutuluyan nilang mag-ina kasama na rin ang kaibigan niyang si Camilla. Habang pinagmamasdan ni Alexandra ang kaniyang sarili sa harapan ng salamin hindi niya mapigilan na mapangiti, sapagkat sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay nakayanan pa rin niyang itaguyod ng mag-isa ang anak niyang si Damien. Nang masiyahan na si Alexandra sa pagtitig sa sarili niya sa harapan ng salamin kaagad siyang lumabas ng kwarto niya upang magtungo sa unang palapag ng mansyon nina Cameron kung saan naghihintay ang binata pati na rin ang anak niya. Tila may humaplos naman sa puso ni Alexandra nang makita niya na nagtatawanan sina Cameron at ang anak niya na nakaupo lamang sa hita ng binata. Gano

