Malapit na ang ikawalo ng umaga nang nagmamadaling magpaalam si Train kay Alexandra sapagkat may mahalagang bagay na dapat asikasuhin ang binata. Kung kaya’t naiwan si Alexandra sa condo nila ni Train kasama ang anak niyang si Damien. Dahil dalawang taon pa lamang ang anak niya palaging bantay ni Alexandra si Damien, lalo na’t may kalikutan ang kaniyang munting supling. Bukod dito, natatakot din si Alexandra na baka masaktan ang kaniyang anak kaya naman maigi niyang binabantayan ang munti niyang supling. Nang makaalis si Train sa condo nila walang sinayang na oras si Alexandra at kaagad na niliguan ang anak niya, lalo na’t may check-up ang kaniyang munting supling. Matapos na paliguan ni Alexandra si Damien mabilis naman ang ginawang pagligo ng dalaga upang makaalis na sila at maagang maka

