Matapos ang pahinga nina Alexandra at Cameron, nagpasiya silang dalawa na muling lumabas ng kanilang rest house upang sulitin ang araw nilang dalawa. Bukod dito, gusto rin ni Alexandra na makisama sa ilang kamag-anak ni Cameron bilang paggalang sa mga ito. Malaki na lamang ang pasasalamat ng dalaga at tanggap siya ng mga ito bilang kasintahan ni Cameron. Kung kaya't ang lahat ng pangamba na nararamdaman ni Alexandra ay bigla na lamang naglaho na parang isang bula nang makapalagayan na niya ng loob ang ilang kamag-anak ni Cameron. Isama mo pa rito na pakiramdam din ni Alexandra ay nagkaroon siya ng ina dahil sa pagiging maasikaso ng ina ni Cameron, kung kaya't hindi niya maiwasan na labis na matuwa dahil sa sarap na kaniyang nararamdaman. Habang naglalakad sila patungo sa kinaroroonan ng ib

