Nakaakbay si Cameron sa balikat ni Alexandra nang bigla na lamang umiling-iling ang dalaga na labis niyang ipinagtaka. Bukod sa pailing-iling ng dalaga, patawa-tawa rin si Alexandra bagay na ipinagtaka ng binata sa kasintahan niya. Kung kaya't hindi mapigilan ni Cameron na mapatigil sa paglalakad nila patungo sa table nila, dahil sa ginagawang kilos ng dalaga habang nakaabay siya rito. Nang tingnan niyang muli ang ekspresyon ng dalaga, mas lalo pang naguluhan ang binata sapagkat may malapad na ngisi pa rin ang nakapaskil sa labi ni Alexandra. Hindi naman nakapagpigil ang binata kaya naman isang pagtikhim muna ang ginawa ni Cameron bago niya tanungin ang kaniyang kasintahan. Laking pasasalamat na lamang din ng binata dahil hindi nagalit sa kaniya si Alexandra nang makita nito na magkausap s

