Isang buwan pa ang nakalipas ng dumating ang araw ng anibersayo ng kompanya nina Cameron. Dahil sa isa si Alexandra sa naging investor sa Clarke Empire kaya naman imbitado rin siya sa anibersaryo ng kompanya ng pamilya ni Cameron. Habang pinagmamasdam ang kaniyang hitsura sa harapan ng salamin hindi maintindihan ni Alexandra ang kaniyang sarili kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng kaba bagay na ipinagtaka ng dalaga. Sa halip na mag-isip pa ng mga negatibong bagay ipinagpatuloy lamang niya ang pag-aayos sa kaniyang sarili, sapagkat ilang oras na lang ay aalis na sila ni Train upang magtungo sa anibersaryo ng kompaniya ng pamilya ni Cameron. Dahil walang magbabantay sa kaniyang anak na si Damien nagpasiya si Alexandra na isama na lamang din ang bata, lalo na’t hindi lagay ang loob

