Sa pagmulat ng mata ni Cameron hindi maipaliwanag ng binata ang saya na kaniyang nararamdaman ng bumungad sa kaniyang paningin ay ang natutulog na si Alexandra na nakahawak pa sa kaniyang kamay na ikinangiti naman ng binata. Hindi naman maiwasan ni Cameron na mas lalong mapangiti sapagkat hindi niya akalain na hahawakan ni Alexandra ang kaniyang kamay habang wala siyang malay. Kung kaya’t hindi maitatanggi ni Cameron na para bang nabuhayan siya, sapagkat pakiramdam niya ay nag-aalala pa rin sa kaniya si Alexandra kahit na nawalan ng alaala ang dalaga. Ganoon na lamang ang pag-iling ni Cameron nang makita niya alas-diyes na pala ng umaga dahilan upang makaramdam siya ng gutom. Sa isang iglap lamang ang ngiti sa kaniyang labi ay bigla na lamang nawala na parang isang bula nang maramdaman niy

