Ikawalo na rin ng umaga buhat ng makarating sina Cameron sa Hidden Falls kung saan sila magpapalipas ng gabi. Mabilis namang lumapad ang ngiti sa labi ng binata nang makita niya kung gaano kasaya si Alexandra na siyang nakapagpabilis ng t***k ng puso ni Cameron. Sa halip na maligo kaagad sila sa malamig na tubig sa may falls, nagpasiya muna silang mamahinga saglit at ayusin ang mga pagkain nilang dala. Dahil si Cameron na ang nagmamay-ari ng lugar kung nasaan sila nagpatayo ang binata ng isang rest house na maaari nilang gamitin upang sa ganoon ay mas lalo silang maging komportable sa kanilang pagpapalipas ng gabi. Samantalang, si Alexandra naman ay kaagad na nagtungo sa gilid ng falls at kaagad na pinagmasdan ang malinaw na tubig na tanaw na tanaw ng dalaga ang repleksyon nito sa tubig. K

