Mga nagkalat na papeles ang siyang unang bumungad sa paningin ni Alexandra nang makarating ito sa Clarke Empire. Isama mo pa rito na hindi rin malaman ni Mr. Clarke ang gagawin upang mapakalma lamang ang binata sa pagwawala niya. Samantalang ang ilang empleyado na nakasaksi sa pagwawala ni Cameron ay hindi naman maiwasan na manginig sa takot dahil sa ginagawang pagwawala ng binata. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Alexandra ang isang babae na nakaupo sa isang silya habang pinagmamasdan ang galit na galit pa rin na binata. Mabilis namang napakunot ang noo ni Alexandra nang mapansin nito ang kakaibang ngisi na sumilay sa babaeng nakaupo sa silya hindi kalayuan sa pwesto ni Cameron. Bukod dito, naipaliwanag na rin ni Vale ang dahilan kung bakit bigla na lamang nagwala si Cameron na siyan

