Sa patuloy na papalayo ng sasakyan ni Alexandra, butil-butil na pawis ang siyang dahan-dahang naglandas sa leeg ni Cameron, habang nababakas sa mukha ng binata ang matinding takot dahil sa bagay na kaniyang naisip. Dahil sa naging reaksyon ni Cameron hindi maintindihan ni Nanay Ising kung bakit ganoon na lamang ang takot na bumakas sa mukha ng binata, habang nakatingin pa rin si Cameron sa papalayong sasakyan ni Alexandra. Batay pa lamang sa reaksyon ni Cameron, kaagad na napagtanto ni Nanay Ising na marahil ay mayroon na namang hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil lamang kay Kitty. Kaya naman hindi maiwasan ng matanda na magtanong kay Cameron kung bakit bigla na lamang hindi mapakali ang binata sa biglang pag-alis ni Alexandra. Kung kaya't isang pagtikhim muna ang pinakawalan ni Nanay Is

