HABANG nakaupo sa sulok ng seldang iyon na nakahaba ang isang binti samantalang nakatiklop naman ang isa kung saan nakapatong ang braso niya, ilang daang paraan na para saktan si Winston ang pumasok sa isipan ni Snicker. That bastared framed him up for a crime he didn't do. Nang tawagan siya ni Winston para singilin ang "pabor" na hiningi niya rito noong pakiusapan niya itong huwag munang tuluyan ang pakikipaghiwalay kay Resen, may kutob na siya na delikado ang hihinging kabayaran ng lalaking 'yon. "Pumunta ka na dito. Pagkatapos nito, bayad ka na," sabi ni Winston sa tawag na ibang numero ang ginamit. Base pa lang sa boses nito na halatang lasing, hindi na talaga mapagkakatiwalaan ang kumag. Hindi nga siya nagkamali dahil pagdating niya sa bar kung saan siya pinapunta ni Winston, naab

