HINDI makapaniwala si Resen sa balitang bumungad sa kanya pagpasok niya sa unibersidad. Mabuti na lang at absent si Snicker na kasalukuyang nagpapagaling ng mga sugat nito. Hindi ito pinayagan ni Tita Sally na pumasok agad, at sa palagay niya, tamang desisyon 'yon. Ayon sa mga nabalitaan niya, pino-propose ng student senators ng kanilang college department na ipa-expel si Snicker dahil sa pagkakakulong nito kagabi! Hindi puwedeng ma-expel ang binata dahil malapit na ang internship nila, pagkatapos ay huling taon na nila sa kolehiyo. Nakakahinayang naman kung mapapatalsik pa ito ng unibersidad nila. Sa gano'ng klase ng record, mahihirapan itong maghanap ng bagong eskuwelahag papasukan! Kilala niya ang isa sa tatlong student senators sa college department nila– si Winston. Kahit labag sa k

