Kate’s POV
Ang sakit ng ulo ko. Napabigla akong upo. Nahihilo pa din ako. Bakit parang, parang ang dilim dilim ng paligid ko. Isang nakatalikod na lalaki ang nakatingin sa bintana.
“Sino ka?” Tanong ko sa kanya.
hindi ko alam pero nilapitan ko siya pagdungaw ko sa bintana kung saan nakatitig ang lalaki sobrang lakas ng ulan may isang babaeng buntis na nakahiga at isang babae ang nakatingin sa amin mula sa ibaba hindi kalayuan.
Tumingin ako sa lalaking nasa gilid ko, luhaan sia. Gusto kong punasan ang mga luha niya. Paghaplos ko sa muka niya biglang may mga nakita ako at narinig na para bang isang panaginip. Isang pagaaway, hindi, ito ay isang p*****n. Nakita ko ang lalaki sa bintana na pumapatay ng mga mga kalalalkihan na para bang maymakalumang pananamit. Paglingon ko sa kanan nakita ko ulit ang lalaki sa bintanan na nagsusulat naman ngayon maraming nakatingin sa sinusulat niya at nakikinig sa mga sinasabi nia. Lumapit ako, sa unang hakbang ko tumingin silang lahat sa akin. Nagsalita ang lalaki, tinawag niya akong ‘Ave’. Paglingon ko sa kaliwa may isang lalaki na mahaba ang dila. Umabot ang dila niya sa tiyan ko. Pagtingin ko sa tiyanan ko ang laki nito.
“Ahhhhhhhhhhh,” sigaw ko.
Napabangon ako, panaginip lang pala lahat. Nasa room parin pala ako ng doctor pero may kasama na kaming isang lalaki, hindi ko makita ang muka niya dahil nakatalikod siya sakin nakita ko ang mukha ni Dr. Mexi na para bang namumutla siya.
“Anung nangyari?” pagaalala kong tanong.
“May meeting ako bukas kaya hindi ako makakapunta,” sabi ng lalaking nakatalikod.
Lumabas ng kwarto ang lalaki habang naka-yuko. Mabilis na lumapit sakin si Dr. Mexi.
“Okey ka lang ba? Bigla ka nalang nahimatay,” tanung niya sa akin, kitang kita sa mga mata niya na nag-aalala siya.
Napahawak ako sa ulo ko “Doc ang sakit po ng ulo ko baka dahil po wala akong tulog at almusal,” sabi ko sa kanya.
Ngumiti sia.“Teka ikukuha kita ng tubig,” malumanay niyang sabi.
Binuksan niya ang pinto at inutusan niya ang nurse na dalhan ako ng tubig.
“Eto inumin mo muna ito,” utos niya sa akin.
Pag-abot ko ng baso nagflashback sakin na nahilo ako pagka-abot niya ng basong inumin sakin knina. Nabitawan ko ang baso. Tumapon ang tubig at nabasag ang baso.
“Ano iyang ulit na ipapa-inum mo sa akin,” paratang ko sa kanya.
“Ulit?”tanung niya na parang hindi niya talaga alam.
“Oo pina-inum mo ko ng tubig kanina kaya nahilo ako, natatandaan ko na,” patuloy na pagbibintang ko sa kanya.
“Hindi kita inabutan ng tubig gusto mo makita ang record kanina nakaupo ka diyan at bigla nalang sumakit ulo mo at nahimatay ka binitbit kita sa sofa tapos pinatay ko ang recorder,” paliwanag niya.
Tumayo siya at inabot sakin ang recorder. Tama nga umupo ako, nageexplain siya na wag akong kabahan at biglang nahilo ako at nahimatay lumapit siya sakin para tanungin kung okey ako at may kumatok.
“Wala akong inabot na tubig,” pagtatanggi niya.
“Sorry doc, sorry doc siguro nga kasama lang iyon sa weird kong panahinip knina. Parang panahon ng kastila kasi ang mga napanaginipan ko tapos meron pang parang tiktik,” natatawa kong explain sa kanya.
Hindi ko maipinta ang mukha niya na para bang maynaalala siya na hindi maganda.
Napahawak ako sa tyan ko dahilk bigla nalang itong sumakit.
“Okey ka lang ba?” Tanong niya habang papalapit sakin.
Sobrang lapit niya sakin, kitang kita ko na ngayon ang mukha niya, near sighted kasi ako kaya sa malayo hindi ganon kalinaw ang mukha niya, parang maynaaalala ako sa kanya.
“Meximo hernandez ng psychology 1?” Excited kong tanong sa kanya.
Ang laki ng mga ngiti niya. “Naalala mo na ko?”tanong niya,
Teka ‘na? Naalala mo na ako? na?’ Ibig sabihin kilala niya ako hindi niya lang sinasabi.
“Hala oo OMG doctor kana pala ngayon, eh kung natatandaan mo ko eh bakit hindi mo sinabi doc na magkaklase tayo nuon, siguro natatakot ka humingi ako ng discount nohh,” pabiro kong sabi sa kanya.
Hindi parin niya inaalis yung ngiti niya “hindi sa ganon, ayoko kasi matandaan mo kung anu ako noon eh alam mo na sobrang pasaway,” he explain.
I smirk. “Oo nga lagi pa kayo nagiinuman sa ilalim ng tulay oon pagnadaan ako pauwe nakikita kita nag-iinum,” pang-aasar ko sa kanya.
He signed. “Bakit ka kasi lagi dun dunadaan alam mo naman delikado?” tanung niya na parang galit.
Napakamot ako sa ulo ko. “Ah iyon kasi ang shortcut papunta pauwe sa amin Doc kesa mag tricycle ako ang mahal kasi,”I explain.
“Mahal,” sabi niya na parang may lambing na tono.
“Po?” gulat kong tanong sa kanya.
“Mahal pala kako edi sana nanghiram ka sakin” paliwanag niya. “Anyways kailangan mo nang kumain, Teka may sandwich ako dito sa bag. Alam kong paborito mo to,” biglang change topic niya.
Bakit parang sobrang concern naman niya sa akin? sa pagkakatanda ko kasi hindi naman kami ganoon ka close noon though lagi ko siyang nakikita lagi siyang nasa paningin ko pero hindi kasi masyadong approachable ang mukha niya at madami kasing nagkakagusto sa kanya noon kaya hindi ako nagtangkang maging mapalapit sa kanya dahil ayoko ng issue dahil may mga grades akong inaalagaan.
Nawala ang ngiti sa mukha ko.
“Kung ganoon nabasa mo ang dahilan ko bakit ako nagpapaconsult ngayon? Nakakahiya,” sabi ko habang nakatungo.
Inabot niya sakin yung tinapay
“Hindi nakakahiya iyon,” paliwanag ng maamo niyang boses.
“Nakakahiya ito kasi kakilala mo pa naman ako nuon tapos biglang ganito na ko ngayon,” pailing kong sabi sa kanya.
“Lahat naman dumadaan sa stage na iyan kate , normal lang na maramdaman mo iyan dahil ayan ang tinatawag na needs o pangangailangan hindi lang lalaki ang may needs isa pa nasa tamang edad kana din naman,”explain niya sakin.
“Pero napapadalas kasi yung mga pangangailangan ko, ayaw ko naman pumasok ulet sa relasyon kaya madalas mga sarili kong mga…,” pinutol ko yung sinasabi ko at tumingin ako sa mga kamay ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at inabot ang tinapay.
“Kamusta ka ba nitong mga nakaraan sobrang stress ka ba?” tanung niya habang titig na titig sa mukha ko.
“Oo doc sobrang stress ko nung mga nakaraan,” paliwanag ko sa kanya.
“Saan? Sa work ba sa family?” Tanung nia.
“Bukod doon sa mga pangarap ko doc, feel ko nauubusan na ako ng panahon,” sagot ko habang nakatitig sa tinapay na bigay bigay niya.
“Gusto mo pa rin magmed?” Tanung niya habang nakangiti sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
“Bakit mo alam?” Nagtataka kong tanong sa kanya.
“Mali, ang tanung doon ‘bakit ko natatandaan’ na gusto mo magmed,” correction nia sa tanong ko.
Hindi ko alam pero parang may gusto siang sabihin sakin o nagaassume lang ako.
“Kasi tanda mo noong psychology 1 natin, nagpakilala tayo sa unahan, ikaw yung may pinakamagandang dahilan bakit gusto mo mag medtech at magdoctor,” dagdag niya. Napangiti ako pero nawala din to agad.
Tumungi ako “hindi ko magawang mangarap dahil nagaaral pa ang mga kapatid ko walang susuporta sa kanila kapag nagaral ako,” paliwanag ko.
“Pwedeng ang isa iyan sa mga source bakit nakakadama ng matinding pangangailangan ay dahil sa mga stress mo na dala-dala, mukhang hindi naman doctor ang kailangan mo,” sabi nia.
Tumingin ako sa kanya, nakangiti siya. Nakakawala ng anxiety ang ngiti niya akala ko mahihirapan ako mag open pero hindi. Kinuha niya ung sanwich sa kamay ko at binuksan ito.
“Ay nako, ngayon ang pinakakailangan mo ay kumain,” utos nia.
Ngumiti siya at inabot ang tinapay
“Salamat doc,” I put a little smile.
“Mex nalang tulad tawag mo sakin noon,” paalala niya.
Napangiti ako sa sinabi niya nakakatuwang naalala niya ako, tiningnan ko ang tinapay na binigay niya. Tama nga eto ang paborito kong tinapay nuon, Hawaiian sandwich. Siguro mahiolig siyang magkabisado ng mga maliliit na detalye.
“Hindi din kita binigyan nag tinapay kanina ah nakita mo naman yung record,” pabiro niyang sabi sa akin.
Natawa ako sa sinabi nia
“Sorry na talaga Doc siguro nababaliw na ko,” paghingi ko ng dispensa ko sa kanyang habang natawa.
“Bibigyan kitang discount kung Mex nalang itatawag mo sakin,” sabi nia.
Tumingin ako sa kanya ngumiti siya sakin
“At another discount kapag naubos mo iyang sandwich na yan,” dagdag niyang sabi.
Ngumiti din ako sa kanya. Pagsubo ko nakita ko ang relo sa kamay ko. Napatayo ako kinuha ko ang bag ko.
“OMG may duty pa ako, Doc…,” napatigil ako sa pagsasalita, napakagat ako sa labi kailangan ko makakuha ng discount.
Tinaasan niya ako ng kilay
“Ay Mex , sa laboratory ko nalang uubusin ang sandwich na to. Thank you talaga, ay nakabasag pala ako, papaltan ko nalang Doc este Mex” nagmamadali kong sabi sa kanya.
Lumapit siya sakin at inabutan ako ng tissue kaya lang parehas mayhawak ang kamay ko
“Kumain ka palagi ng madami napakagaan mo kanina noong binuhat kita,” malambing na paalala niya sa akin.
Tapos pinunasan niya ung bibig ko at ngumiti.
Nada’s pov
Flashback
Bago ko kumatok, nabasa ko ang isip ng babaeng nasa loob, late na ako nakadating nakapasok na siya sa loob. Sobrang gulo ng isip niya. Nahihiya sia, nalilito parang kulang sia sa pahinga at tulog. Mabuti pa manipulahin ko na siya. Iisipin niyan na si meximo ang nagbigay ng tubig na may halong pampatulog para matakot siya at hindi na bumalik para hindi nasisira ang schedule ng consultation ko.
Present time 2020
Pagtapos ng mga kagabapan sa loob ng kwarto lumabas ako, napahinto ako. Tahimik akong nagintay sa labas ng kwarto. Rinig na rinig ko ang mga paguusap nila sa loob. Masaya silang naguusap. Masaya ang babae naalala siya ni Meximo. Paglabas ng kwarto ng babae tumingin ako sa kanya habang nakasandal sa pader. Lumapit ako sa kanya.
“Parang kahawig niya ang nasa panaginip ko”
Napatigil ako sa paglalakad noong nabasa ko yun sa isip niya.
“Ma’am eto po yung prescription sayo ni Doc,” sabi ng Nurse. “Ang next schedule ninyo po next week”
Tumingin siya sa nurse, ngumiti siya at kinagat niya ang sandwich na binigay ni Meximo para kunin ang reseta tapos ngumiti ulet habang kagat kagat ang tinapay, tinago niya sa bulsa niya ang reseta at nagpasalamat sa nurse. Pagtapos lumabas na siya.
“Okey na sir pwede na po kayong pumasok sa loob” sabi ng nurse sa akin
Pumasok ako sa kwarto
“Bakit nandito ka nanaman?” irita niyang tanong sakin.
“Wag mo na kong ireffer sa senior mo. Hindi mo pa sinasabi alam ko na ang nasa isip mo. pumasok lang ako dito para burahin yung ala ala mo na pumasok ako dito kanina at ang mga ginawa at sinabi ko sayo,”paliwanag ko sa kanya.
“Kaya mo naman iyan gawin sa labas ng kwarto ko bakit hindi mo ginawa ?” Kompronta niya sa akin.
Natahimik ako sa tanong niya at lumapit siya sakin.
“Magsabi ka ng totoo Nada. Kung totoong matagal ka ng nabubuhay sa mundo. Kung matagal ka na maykakayahan magmanipula at kumuha ng mga memorya, para saan pa ang consulation natin every week. Naghahanap ka ng makakausap na maniniwala sayo pero lagi mong inaalis sakin ang mga ala ala ko. Hindi ka naniniwala sa siyensia Nada. Kung ganun bakit ka pa nandito?” Galit niyang tanong sa akin.
Flashback
Palagi akong dumadalaw sa kulungan, ibat ibang kulungan kung saan dinadala ang mga presong nanggagahasa, binabaliw ko sila. Para sakin ang batas na habambuhay silang makulong ay hindi sapat para pagbayaran nila na mga kalupitan nila sa mga kababaihan tulad ng napagdaanan ni Ave sa kamay ng mga mananakop. Binibisita ko din ang mga babaeng nabiktima ng panggagahasa. Pinapalakas ang loob nila sa palaging pagsabi sa panaginip nila na kaya nila to at malalampasan nila to. Hindi sa lahat ng pagkakataon pwede kong kuhain ang mga masamang alala nila. ginagawa ko lamang ito kung sa palagay ko hindi nila makakayanan ang trauma nila madalas sa mga bata ko ito ginagawa. Isa ang mga medical supplies at medical machine ang ginawa kong business, nagkukunyaring delivery man paminsan minsan o engineer ng machine in that way malaya akong nakakapunta sa ospital. Isang araw binisita ko sa panaginip ang isang babaeng na gang rape ng biglang pumasok si meximo sa loob ng kwarto. Naririnig ko ang usapan nila sa labas ng kwarto.
“Doc akala ko po naka-uwi na po kayo?” Gulat na tanong ng Nurse kay Meximo.
“Kamusta siya?” Pag-alalang tanong ni Meximo sa Nurse.
“Mas okey naman po qng vital niya kesa kanina Doc kaya lang nilalagnat parin po siya, pinakalma lang po namin siya kasi naalala niya ang mga nangyari sa kanya nanginginig po siya sa takot kanina doc, ngayon kalmado na po sia pero tulala po habang natulo ang luha niya,” report ng Nurse kay Meximo.
“Kamusta ang mga sugat niya?” Tanong ni Meximo.
“Ang iba doc medyo malala, kaya po siguro siya nilalagnat” pagalalang sagot ng Nurse kay Meximo
“Sige magsasabi ako kay Doc Paw na pag rerequestan ko tong patient niya ng CBC paki stat kamo ang collection itawag sa laboratory habang kalmado pa siya baka mahirapan silang kuhaan pag nagwala na siya, amin na iyan ako na muna maglilinis ng sugat niya i-tag mo na agad sa system para makuhaan na siya ng dugo,” utos ni Meximo sa Nurse.
“Ah sige po Doc,” sagot ng Nurse
Sa pamamagitan ng mata at tenga ng pasyente nakikita ko ang kilos at naririnig ang usapan nila sa loob. Nag alcohol si meximo at sya mismo ang nagpunas ng mga dugo sa sugat ng babae sa mukha nito.
Kahit hindi ko basahin ang isip niya, alalang-ala siya hindi siya katulad ng ibang doctor, maya’t-maya nia dinadalaw ang mga patient niya kahit mababa lang ang sahod dito sa di kilalalang ospital na to.
Simula noon napagdesisyunan ko na maging malapit sa kanya.
Present time
“Bakit hindi ka makasagot?” Pagpupumilit niyang tanong sa akin.
“Mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala sayo, palagi kong iniisip na pumunta ka sa masmalaking ospital para masmakatulong sa masmaraming taong nangangailangan sayo, hindi ko binabasa ang isip mo nuon dahil kitang kita ko kung gaano mo ka-mahal ang trabaho mo at mga pasyente mo. Pero sa unang pagkakataon binasa ko ang isip mo kanina dahil unang beses kita nakitang magalit. Nalaman ko eto lang pala ang dahilan ng paglipat mo,” kompronta ko sa kanya
“Wag ka magsalita na parang hindi mo ginawa to. Masmarami kang tinalikuran nuon dahil maspinili mong mamuhay ng tahimik kasama si Ave,” brutal niyang sagot sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili ko, nasakal ko siya.
“Hindi ko sinabi ang mga yon sayo para gamitin mo laban sakin,” galit na paalala ko sa kanya,
“Sinabi ko iyon para..” dagdag ko
Binitawan ko siya sa leeg.
“Sinabi ko iyon dahil kailangan ko ng kaibigan,” tapat kong sinabi sa kanya.
Ibinalik ko ang lahat ng alala namin dalawa sa kanya para maalala niya na tinuring ko isang kaibigan at hindi isang doctor ko. Napaupo siya at humawak sa ulo niya.
“Eto na ang huling beses na makikita mo ko bilang pasyente mo at ang babaeng iyon kahit ayoko nakatakda na siyang mamatay para sakin hindi para mahalin mo. Kaya ngayon palang kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa kanya,” pagbabanta ko.
“Masyado ng huli Nada isa’t kalahating dekada ko na siyang gusto, siya at siya lang,” sagot niya sa mga banta ko.
Tumingin ako sa kanya.
“Tatlong daang taong ko na siyang inaantay, siya at siya lang din. Gusto ko nangg makalaya sa sumpa na ito.” mahina kong sagot sa kanya.
Tumalikod ako sa kanya
“Papanu ka nakakasigurong siya nga ang inaantay mo,” pahabol niyang tanong.
“Kahit anong sabihin ko hindi ka naniniwala sakin tama ako diba? Kahit ano pang ibalik kong ala-ala sayo hindi mo ko pinapaniwalaan pero patuloy kang nakikinig kaya ngayon manuod ka nalang,” sagot ko sa kanya.
Naglakad ako paalis ng kwarto.
Hindi ako galit sa kanya, nagagalit ako na bakit siya pa, siya pa na mahal ng kaibigan ko ang itinakdang mamatay para sakin para magpatuloy ang oras ko, tumanda at mamatay. Bakit sa dami dami ng babae sa mundong ito.
Patuloy akong naglakad. Napagod ako kakaisip.
Naghanap ako ng mauupuan hanggang nakarating ako sa rooftop.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako paggising ko lumuluha ako. Sa tatlong daang taon walang araw na hindi pumatak ang hula ko at nalungkot. Hindi ko magawang masanay.
Tumayo ako at tumingin sa tanawin, bumugtong hininga at kumapit sa rehas ng rooftop.
May narinig akong papalapit sakin. Baka si jane na to dahil nagpasundo ako sa kanya ngunit paglingon ko iba ang nakita ko.
“Wag, wag mong gawin iyan,” ang sabi ng babaeng papalapit sa akin.
Tumingin ako sa kanya. Inaabutan nia ako ng isang panyo. Akala niya ata tatalon ako.
“Wag mong gawin iyan please kahit anung pinagdadaanan mo makakayanan mo iyan,” dagdag niya.
Ngumiti ako sa kanya.
“Wag,” pakiusap niya.
Natulala ako, napaluha ako, naririnig ko ang boses ni Ave sa pagbukas ng mga bibig ni kate.
Napahawak ako ng mahigpit sa mga rehas ng rooftop.
“Please wag,” sobrang alalang-alala niang pakiusap sa akin.
Hinatak ko siya papalapit sakin at niyakap siya.
“Ave” sambit ko.