“Bakit mo ginawa ito? Ang sabi mo magbabago kana, magbabago na tayo Nada!” Galit na galit na tanong ni Ave kay Nada.
Lumabas si Nada sa banyo, basang basa ang muka ni Nada ng dugo at pawis.
“Papatayin ka niya at ang anak natin Ave at hindi mo ba narinig ang sinabi niya, tinaningan niya ngayong araw ang buhay mo at isinumpa ako, makapangyarihan ang mga salita nila Ave alam mo yan!” Ang pasigaw na sagot ni Nada.
Tuloy tuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan at malakas na pagkulog at pagkidlat. Sumisipol ang hangin at damang-dama nila ang lamig dahil nasa itaas ng puno ang kanilang tirahan.
She cried. “Kahit na, hindi totoo ang sumpa at ngayon san na tayo magtatago ngayon malapit na ang kabuwanan ko Nada,” she shout.
Umiiyak si ave habang haplos haplos ang kanyang tiyan.
“May paraan ako sinabi ko naman sayo diba nakahanda na ang lahat kung sakaling maymakaalam na dito tayo naninirahan,” sagot ni Nada ng mahinahon.
Alam nitong hindi maaayos ang kanilang away ng pagsisigawan.
Lumapit si Nada kay Ave.
“Umupo ka nalang diyan, ako na magiimpake ng mga gamit natin tatanggalinin ko lang ang mga ito” sabi ni Nada at initaas niya ang kanya kamay na punong puno ng lupa, dugo at pawis.
“Ipangako mo Nada ito na ang huli, ipangako mong wala ka nang papatayin,” sabi ni Ave habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
“Pangako mahal ko,” sumpa ni Nada kay Ave.
Bumalik na siya sa banyo para ipagpatuloy ang paglilinis ng katawan. Paglabas ni Nada ng banyo.
“Blag,”isang malakas na pagbagsak.
Kitang kita ng mga mata ni Nada ang pagtalon ni Ave mula sa bintana ng kanilang tree house.
Present time (2020)
Nada’s POV
“AVVVEEEE” Sigaw ko habang habol habol ang hininga ko.
Napabangon ako sa kama. Pinunasan ko ang pabagsak na luha sa mga mata ko at tumayo. Tumingin ako sa salamin. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.
“Hanggang kelan ako mananaginip” tanong ko sa aking sarili
Ako si Nada, walang araw na hindi ako lumuha mula sa paggising. Sa haba ng panahong namumuhay ako, araw-araw akong pinapatay ng panaginip ko. Ang pagiging imortal ko ang nagpapahirap sa akin araw-araw. Marahil sayo at sa iba, isa itong privilege na mamuhay ng ganito katagal pero para sa akin isa tong sumpa na dala-dala ko sa tatlongdaang taon.
“Bzzt bzzt” my cell ring.
“Wag ka muna pumunta sa ospital Nada meroon akong naka-schedule ngayon. Ilipat natin bukas ang consultation mo,” text from Quack.
Bzzt bzzt
“Goodmorning sir gusto ko lang pong iremind po kayo na meron po kaming magiging meeting sa makalawa kaya inayos ko na po ang schedule ninyo, bukas po mayroon po akong ipepresent sa inyo ang regarding po sa korean shipping company, thank you po,” text from Jane, my secretary.
“Kung ganun hindi pala ako pwede bukas” sabi ko sa sarili ko. Mahilig ko talagang kausapin ang sarili ko.
Nagbath-robe ako at sinalin sa baso ang kape mula sa coffee machine.
Bzzt bzzt
“Nareceived mo ba ang message ko?” another text message from Quack.
Hay nako schedule niya lang ba ang mahalaga, may trabaho din kaya ako. Bakit ba ayaw niya akong pumunta ng ospital kapag may nakaschedule sa kanya dahil ba pinapaalis ko ang mga nakaschedule sa kanya para ako ang unahin niya?
Flashback
Patient #1
“Nurse sorry nakalimutan ko kasi kung napatay ko ang gas ko sa bahay, uuwe na muna ako delikado kasi,” pagalalang paalam ni Patient #1 sa Nurse.
Patient #2
“Nurse, pasabi nalang kay Doc na uuna na ako,” mahinang sabi ni Patient #2 sa Nurse.
“Bakit po ma’am? Parating na po si Doc” nagtatakang tanong ng Nurse kay Patient #2.
“uhm kasi yung asawa ko nagtext umuwe daw siya ngayon sa bahay uhmmm alam mo na,” nahihiyang sabi ni Patient #2 sa Nurse at bumulong siya sa tenga ng Nurse.
Napatakip ng bibig ang Nurse sa binulong ni Patient #2.
“Sige na una na ako,” kinikilig na paalam ni Patient# 2 sa Nurse habang abot tenga ang ngiti nito.
Patient #3
“Nurse bakit ganito? diba dapat ahead of time kayo magsasabi kung hindi papasok ang Doctor,” complain ni Patient 3 sa Nurse.
“Ma’am bumili lang po si Doc ng food, pabalik na po,” mahinahong sagot ng Nurse kay Patient #3.
“Ayan oh text nia sakin,” malakas na sabi ni Patient #3.
Galit na galit si patient #3 sa nurse habang pinapakita ang cellphone nito.
“Ma’am wala pong text” Nagtatakang sagot ng Nurse kay Patient #3
“Anung wala?” sigaw ni Patient #3. “Bulag ka ba? Ayan oh!” dagdag nito.
“Sorry mam wala po talagang Text si Doc sa phone ninyo,” the nurse explain calmly.
“Mga trabahador dito kung hindi iresponsable ay bulag hindi ko alam kung nagtatangatangahan ka lang eh,” sobrang iritableng complain ni Patient #3
“Ma’am pabalik na po si doc itinext ko na po siya ngayon,” paliwanang ng Nurse para kumalma ang pasyente.
“Ay hindi lilipat na ako ng psychologist, hindi ako para mag-intay pa sa kanya noh! Napaka iresponsable!” patuloy na pagi-iskandalo ni Patient #3.
Sumabat na ako kasi medyo OA na siya alam ko naman na kasalanan ko bakit siya nagkakaganon pero sobra na ang pangaaway niya sa Nurse. Mukhang mali ang taong napili kong paalisi ah.
“Ma’am mawalang galang lang pero hindi pagiging iresponsable ang pagkain ng tanghalian, tao din ang doctor,” sagot ko sa Patient #3
“tse mind your own business” sigaw ni Patient #3 sabay talikod.
Aba at tinalsikan pa ako ng laway.
Napapatawa ako pag naaalala ko yun. Oo tama kagagawan ko lahat, kaya kong pumasok sa isip ng isang tao, magmanipula at kontrolin ang iniisip nila. Tinanggal ko ang ala-ala niya na pinatay niya ang gas sa bahay nila bago umalis. Kaya kong iactivate ang green thoughts niya. Kaya ko din ipikita sa kanya ang mga bagay na hindi naman totoo at nasa isip niya lang, tulad ng text message ni Doc na hindi naman talaga naeexist. Ang lahat ay kaya kong manipulahin.
Sa ngayon hindi na Nada ang pangalan ko, Benz Nadar Barbosa na. Kinakailangan ko magbago ng identification every 40 years para matago na matagal na akong naniniraham sa mundong ito. Syempre may mga taong iilan na nakakaalam nito tulad ng secretary ko na siang mukha ng kumpanya Na tinayo ko. Sa tagal ko sa mundo nakapagipon ipon ako. Nakagawa ng sarili kong kumpanya. Napakabilis lang naman yumaman kung marunong kang humawak ng pera, napakalaya magpayaman hindi tulad sa panahong pinagmulan ko. Nuong mortal pa ako.
Ang panahon ng rebolusyon, panahon ng kamatayan kung tawagin ng ilan, ang panahong walang pilipinong malayang nakakagalaw. Habang ang ilan ay dinadaan ang pagaapilang makalaya sa pamamagitan ng pagsulat at pagdarasal, kami ng aming mga grupo ay ang tinatawag nilang mga mabuting kriminal. Kriminal dahil isa kami sa mga lihim na pumapatay ng mga mananakop. Ako ang tinatawag nilang utak ng mabuting kriminal dahil ang mga plano ko ang nagdidikta ng kanilang buhay.
Si Ave, ang aking Ave siya ang dahilan ng patuloy kong pagbabago. Sa isang tulad niya na takot sa karahasan patuloy akong binago nito. Lumaki si Ave sa mahirap na pamilya at dahil sa angking-ganda ni Ave ginamit niya ito para protektahan ang kanyang pamilya. Inaakit niya ang mga mananakop para bigyan sila ng proteksyon siya at ng kanyang pamilya para ligtas na mamuhay ang mga ito ngunit hindi lamang ito isang madaling paraan para mabuhay noon madalas siyang bubog, hindi lang sa s****l na paraan kundi pati sa kanyang pisikal. Ang mga tulad niya ang minsan namin plinanong iligtas sa mga kamay ng mga malulupit na mananakop ngunit walang masyadong nakakaalam ng amin grupo dahil narin ang ilan sa aking miyembro ay pamilyado na natatakot silang pagnalaman ang aming pagkakakakilanlan ay maparusahan at mamamatay.
Tandang tanda ko pa ang aming unang pagkikita
Flashback year 1659
“Paaakkkk” Sinampal ako ni Ave
“Sa ginawa mo hindi mo niligtas ang bansa, hindi mo din ako niligtas sa kalupitan niya, bagkus pinatay mo ang pamilya ko,” sigaw ni Ave.
Natahimik ako sa mga sinabi niya, ngayon lang ako nasampal ng isang babae at sinisi kapalit ng pagliligtas. Nagagalit ako hindi sa sampal at paninisi niya kundi dahil sa nakikita ko, bubog sarado ang kanyang katawan puro pasa at latay ito, marka ang mga paso ng tabako.
Sa kabila nito napakaganda padin niya.
“Sa kalagayan mo, sa tingin mo ba buhay ka pang makakalabas sa kwartong ito? Kahit anung sabihin mo iniligtas parin kita,” paliwanag ko sa kay Ave.
kinuha ko ang kumot at binalot ito sa kanyang katawan. Ang tulad niya na hindi man kayang protektahan ang bansa, kaya naman niyang ilaan ang buhay niya para sa kanyang nagiisang pamilya. Binitbit ko siya palabas ng kwarto dahil hirap na hirap siya makagalaw. Hindi manlang ako nakadama ng kahit anung hirap sa pagbitbit sa kanya, parang sa gaan niya animoy isang sanggol lang ang bitbit ko. Dinala ko sia at ng aking kasamahan ang ilan pang mga kababaihan sa aming sikretong lunggaan para dun sila gamutin. Kinailangan naming takpan ang kanilang mga mata para hindi nila malamanang ang eksakto naming lugar. Ang mga asawa ng aming mga kamyembro ay silang mga gumagamot sa knila dahil kapwa nila ito babae. Tulad ng palagi naming ginagawa, matapos ang isang linggo inaya namin sila umanib sa aming grupo ang ilan ay hindi pumayag kaya’t pinakawalan na namin sila. Tinakpan ang mga mata nila at pinakawalan, ang ilan ay nanatili. Hindi kasama duon si Ave dahil para sa kanya masmahalaga ang buhay ng kanyang mga kapatid kaysa sa buhay niya.
Ngunit matapos ang tatlong araw nagulat ako
“Nada,” sigaw ng isang babae
May sumigaw ng pangalan ko, kilala ko ang boses na iyon.
“Nada,” muling pagtawag nito sa akin.
Siya nga si Ave.
“Ave papaano ka?” napatigil ako sa pagtatanung sa kanya dahil pagkakita ko sa kanya bitbit-bitbit niya ang dalawa niyang kapatid na puro sugat at maging siya at sugatan nanaman.
“Ilayo mo na kami Nada,” pakiusap ni Ave sa akin.
Tumingin tingin ako sa paligid “may nakasunod ba sa iyo?” pagaalala kong tanung sa kanya.
“wala Nada itinakas ko na ang aking mga kapatid, pati sila marahas nang ginagawan ng masama ng mga mananakop hindi ko sila mapapatawad” galit na galit na pagbabanta ni Ave.
“Sa ngayon pumasok muna tayo sa loob” pag-anyaya ko sa kanila.
Wala ang aking mga miyembro sa aming lunggaan kaya walang nakakaalam na pumunta si Ave sa amin kasama ang kanyang dalawang babaeng kapatid.
“Umupo muna kayo” sabi ko sa kanila.
Iniligpit ko ang aking mesa kung saan pinaplano ko ang sunod naming pagpatay sa susunod sa linggo.
“Kinabisado ko ang bawat pagliko natin nuong nakapiring kami, inalala ko ang mga amoy ng paligid ang mga tunog,” eksplenasyon ni Ave habang pinupunasan niya ang dalawa niang kapatid.
“Saming grupo hindi ka din palaging ligtas Ave, naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?” tanong ko sa kanya.
Tinignan ko ang dalawang bata. Tinakpan ni Ave ang mga tenga nila.
“Kaya nga sinabi kong ilayo mo ako dito hindi ko sinabing aanib ako sa inyo,” sagot niya.
“Walang ibang ligtas na lugar sa Pilipinas Ave,” paalala ko sa kanya.
“Meron” kompyansang sagot niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko.
“Sa isang tagong isla sa timog” dagdag niya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Nakita mo?” mahina kong tanong sa kanya.
“Habang ginagamot ako nung isang linggo nakita ko ang ilan sa mga papel mo” sagot niya
Alam ko darating ang panahon na kakailanganin ko ng kasunod na plano kung hindi man magtagumpay ang aming unang plano, ang isla na iyon ang aking palaging reserbang plano sa bawat gabi ng aming pagpatay. Alam kong walang sasama sa akin dahil napaka misteryo ng islang iyon, kaya tinatago ko pa ito sa aking mga kagrupo.
Umiling ako sa kanya. “Hindi kita madadala duon patawad” dispensa kong sinabi sa kanya.
“Bakit Nada? Dahil ba duwag ka?” Brutal nitong tanong.
“Hindi dahil pinagaaralan ko pa ang lugar na iyon dahil ang ilan sa mga nakatira duon ay may ibang mga katangian,” sagot ko sa tanung niya.
“Katangian?”pagtataka niyang tanong.
“Tinatawag silang mga nangungulam, tiktik, maligno at kampon ng kadiliman na prumoprotekta sa islang iyon,” mahina kong sagot sa kanya.
“Kaya ba walang masyadong nagtatanggakang pumunta dun pati ang mga mananakop?” tanong ni Ave habang sinasarado niya ang mga bintana.
“Oo ave, may ilan nagsasabi na maykapangyarihan ang kanilang mga salita ang ilan hindi pa sila nakakatungtong sa isla ay nakakaramdam na ng matinding pananakit ng katawan ang ilan ay sumusuka ng dugo at insekto, ang iba lumulubog na ang kanilang banka, sa pagkakaalaman ko wala pang nakakabalik ng maayos sa islang inyon, kung hindi patay ay nasiraan ng bait at may sakit.”
“Wala akong pakealam Nada dalhin mo ko duon,” pagpupumilit niya.
“Hindi Ave delikado pinagaaralan ko pa ang lugar na iyon,” sagot ko habang hinahahandaan sila ng tubig na maiinom
“Tok tok tok” Isang malakas na katok
Parehas kaming natahimik ni Ave hindi ko inaasahan na mayroong pupuntang kamiyembro ko sa tanghaliang tapat na iyon, kaya naman itinago ko sila Ave at dahan dahan ko binuksan ang pintuan.
Doctor Mexi’s POV
“Toktoktok” maykumatok
binitbit ko si kate at dinala sa sofa, napakagaan lamang niya. Bigla nalang siyang nawalan ng malay. Pinatay ko muna yung recorder pagtapos ko siyang mailapag sa sofa.
“Toktoktok” maykumatok ulet
Narinig kong bumukas ang pinto .Tumingin ako sa pinatuan at nakita ko siya.
“Sinabi ko sayo hindi ba na may nakaschedule ngayon bakit ka pa pumunta?” tanung ko sa kanya.
“Pumunta lang ako ngayon para sabihin sayo na…” he pause.
“Pwede mong ichat Nada o itext,” sagot ko sa kanya.
Tumingin ako sa kanya, napansin kong nakatitig siya kay kate na para bang nabigla siya.
“Ang panaginip niya,” pagtatakang sabi niya.
“Nada umalis kana,” pagbabanta ko sa kanya.
Pumasok sia sa loob ng kwarto
“Ang sabi ko umalis ka,” pagbabanta ko ulet sa kanya.
Bigla nalang tumaas ang mga kamay ko at dinala ako nito sa dingding na parang may komokontrol sa galaw ko.
“Anong nagyayari?” tanong ko sa kanya.
“Bakit niya ako nakikita sa panaginip nia? Sino sia?” pagtatakang tanong niya sa akin.
Hindi maalis ni Nada ang tingin niya kay kate, dahan dahan siyang naglakad papalapit kay kate
“Wag mo siyang pakelaman Nada,” malakas kong banta sa kanya.
“Toktoktok” may kumatok sa pintuan
“Doc okey lang po ba kayo?” tanong ng Nurse.
Napalakas siguro ang boses ko.
“Tumingin ka sakin,” isang boses na naguutos sakin, tama boses ito ni Nada.
May kakayahan siya kung tawagin sa siyensia ay telepathy. Tumingin ako kay Nada
“Sabihin mong ayos ka lang,” sinabi niya sa isip ko.
“Yes Nurse,” sagot ko sa nurse para hindi na ito magalala.
Tumingin si Nada ulet kay kate. Tumungo siya sa sofa at nakatitig sa muka ni kate na para bang namamangha.
“Bakit?” mahina niyang tanong.
Hinawakan ni Nada ang muka ni Kate.
“Anung ginagawa mo sa kanya bitawan mo siya,” banta ko sa kanya habang pilit tinatanggal ang kamay ko sa pader
“Panahon na ba?” Tanong niya muli.
Wala akong maintindihan sa mga tinatanong niya maliban nalang kung ang tinatanong niya ay related sa mga consultation namin before na sinasabi niyang mayroong taong nakatadhanang makilala niya muli at mapapahamak ito para makaligtas siya sa sumpa. Which is hindi ko pinaniniwalaan dahil pasyente ko siya.
“Panahon ang alin?” Paghinhi ko sa paliwanag sa kanya.
Tumingin si Nada sa akin.
“Siguro hindi mo na natatandaan pero alam kong napanuod mo sa mga record video na kwinento ko sayo na maymakikilala ako, isang tao na malalaman ang nakaraan ko, isang tao na tatanggapin akong muli, mamahalin ako,” ibinalik niya ang tingin sa mukha ni kate.
“At,” dugsong ni Nada, pero pinutol niya ito muli.
Tumayo siya at tumingin sa akin dahan dahan lumapit sa akin.
Ngumiti siya na parang maynalalaman na hindi ko alam. “Dito siya nagtatrabaho kaya dito ka din nagtrabaho tama ba ko?” Paratang nito sa akin. “Nakakalungkot hindi ka nia matandaan” dagdag niyang sabi.
Hindi ko alam kung papaano niya nagagawa talaga ang mga bagay na to.
“Wala kang pakealam,” inis kong sabi sa kanya.
“Ngayon palang sinasabi ko na sayo hindi ka kayang mahalin ng babaeng iyan dahil,” pagbabanta nito sa akin
“Dahil ano?”galit kong tanong sa kanya.
Hindi binuksan ni Nada ang bibig niya pero malinaw na malinaw na may sinabi siya sa isip ko.
“Dahil nakatakda lang siyang mamatay para sakin” malumanay niyang sabi sa aking isip.
Si Nada ay matagal ko ng pasyente, pinagaaralan ko ang kondisyon niya, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya na matagal na siyang nabubuhay sa mundo. Doctor ako, alam kong maraming way para mapanatili niya ang muka niyang ganyan. Kung sa mga video record ko pagbabasigan matagal na matagal na kaming magkakilala. Ang hindi ko lang mapaliwanag kung bakit kaya niyang alisin ang mga memorya ko, ang lahat ng mga sinabi niya tuwing consultation. Kaya niya din kontrolin ang motor skill ko kung baga kaya niyang pumasok at maging utak ko. Wala akong maalala pero since recorded ang room na to saka ko lang napapanuod ang mga naging usapan namin kinakabisado ko ang mga sinasabi niya para pagaralan ang kondisyon niya. Nakakamangha pero nakakatakot at ayokong maniwala. Ang alam ko lang hindi siya normal.
Tama nga ako, tungkol sa mga sinasabi niyang nakaraang buhay niya ang mga tinatanong ni Nada ngayon. Kailangan kong gamitin ang mga nalalaman ko na naayon sa pagkakaintindi ko sa mga kwento niya para umalis na siya. Gagamitin ko ang kahinaan niya na para bang naniniwala at naiintindihan ko siya.
“Kung hindi mo siya kayang protektahan tulad ni av…” naputol ang mga sinasabi ko dahil pati ang kabila kong kamay ay dumikit na sa mga pader. Hindi ko makontrol ang sarili kong katawan.
“Tumigil ka, wala kang alam,” he said coldly.
Na provoke ko siya.
“Umalis kana wag mong gawin ito, ipinangako mo sa kanya na wala ng mamamatay dahil sayo,” mahina kong pagpapakiusap sa kanya. Kung kaya niya kontrolin at basahin ang isip ko kaya ko din manupulahin siya dahil isa ito sa mga pinag-aralan ko dahil psychologist ako.
Muling nagkaroon ako ng control sa mga kamay ko at naibaba na ito, kinabisado ko ang kahinaan niya at alam niya na din ang kahinaan ko, si kate. Tama siya, hindi ako matandaan ni kate. Kaklase ko si kate ng college sa subject na psychology 1. Akala ko magpapatuloy sia sa pagdodoctor dahil masipag siyang magaral. Palagi siyang dean’s lister. Palaging sumasali sa mga activity sa school. Madalas pumupunta lang ako dahil naroon siya. Akala ko namangha lang ako sa ganda niya at sa sipag niya magaral nung una pero habang masnakikilala siya sa pamamagitan ng mga naririnig ko sa kanya maslalo ko siyang nagugustuhan. Niligtas niya ang buhay ko nuon pero sa kasamaang palad nawalan ako ng balita sa kanya after graduation ang alam ko nalang nagwowork siya sa isang hindi masyadong kilalang ospital sa laguna. Hanggang sa…
Flashback year 2014
Nagiintern ako sa isang ospital sa laguna. Isang patient ang isinugod sa ER galing sa preso. Nakaposas ang kanyang mga kamay mula sa kamang hinihigaan nito, sinasabi nila na nawala sa pagiisip ang preso, pinunit ng preso ang kanyang tenga dahil palagi daw siyang maynaririnig na kung anu-anu sa tenga niya kung kaya‘t sinama ako ng senior namin sa ER para macheck ang condition niya. Ipinasok ang pasyente sa isang room sa ER para duon gamutin, inihiwalay siya sa ibang mga pasyente para hindi mag cause ng alarma. Tinurukan ng pampakalma ang pasyente.
“Toktoktok” may kumatok sa pintuan at may pumasok na babae sa loob ng kwarto. Isang babaeng hindi ko inaasahan na makikita ko muli, si Kate.
“Good afternoon po kukuha lang po ng dugo,” bati ni Kate.
Meron siyang dala-dalang tackle box na punong-puno ng syringe. Paglapit nia nakita niyang nakaposas ang patient kaya naman inilapag nia yung tackle box niya malayo sa pasyente at kumuha lang ng kakailanganin niya at inilagay ito sa kanyang bulsa. Wala siyang takot na lumapit sa pasyente.
“Ma’am pa add daw si Doc ng BT Rh,” sabi ng Nurse kay Kate.
“Okey ma’am paki-tag nalang po sa system for charging,” sagot ni Kate sa Nurse habang nakatingin sa pasyente.
“Okey mam tag ko na,” sabi ng Nurse at lumabas na ito.
Paglabas ng nurse, sinabihan ako ng Senior ko na dito muna ako sa room hahanapin niya lang daw ang emergency doctor. Kasunod siyang lumabas ng nurse.
Lumapit ako sa likod ni kate
“Uhmmm sir kukuhaan ko po kayo ng dugo,” sabi niya sa pasyente.
Itinali niya ang braso nito. Napaatras si kate dahil biglang nagwala ang pasyente.
“Pakawalan ninyo ako naririnig ko pa rin siya, pakawalan mo ko” sigaw ng pasyente.
Nagwalala ang pasyente sa galit
“Sir! sir kumalma po kayo,” malumanay na sabi ni Kate.
Walang takot siyang lumapit ulet sa pasyente
“Sir kapag po hindi natin na-hit ang ugat ninyo dahil malikot po kayo kailangn ko pong tusukan kayo ulet, kumalma po kayo,” bilin ni Kate sa patient.
ngunit patuloy pa din sa pagsigaw ang pasyente.
“Uhm excuse me,” pagpapapansin ko sa kanya
“Ah doc nagwawala po si patient,” sabi niya.
Ang sarap pakinggan na tawagin niya akong Doc. Na para bang nagiging proud ako sa sarili ko pag nanggagaling sa kanyang mga bibig ang pagtawag sa akin ng Doc.
“Baka kulang ang dosage na pampakalma na binigay sa kanya, sige mamaya mo nalang siya kuhaan, sabihin mo nalang sa nurse na nagwawala kaya hindi mo makuhaan,” sabi ko sa kanya, hindi ko maiwasan na ngumiti sa harap niya kahit naka mask ako.
“Sige doc salamat po,” sabi niya sabay ngumiti siya din siya sa akin.
Inabot ko sa kanya ang resertba kong mask na nasa malinis kong bulsa.
“Ay salamat po Doc” pagpapasalamat niya sabay abot ng mask, hindi ko maiwasan talagang ngumiti sobrang saya ko.
lalo’t ang tagal ko na hindi nakita ang ngiting iyan buti natagpuan ko siya ulet. Sinabi ko sa sarili ko nuon na hindi ko na siya papakawalan.
“Kukuhain ko nalang po ang tourniquet sa braso niya,” dagdag niya habang sinusuot ang mask na bigay ko.
Lumapit siya ulet sa pasyente para kunin ang tali.
“Wag mo sabi akong hawakan,” galit na galit na sabi ng pasyente, nagulat si kate dahil sa sobrang pagwawala ng pasyente at muntik na siyang kagatin nito.
Napaatras si kate pero nasalo ko naman siya sa mga braso niya. Masaya ako na nilipat ako sa ospital na ito mabuti nalang pasaway pa rin ako kaya nilipat ako sa hindi masyadong kilalang ospital, kung hindi.
Present time 2020
Sinundan ko siya dito para dito na din magtrabaho sa maynila. Hindi ko inaasahan na magpapaconsult siya ngayon dito sakin. Hindi ko alam pero masaya ako. Alam kong may pinagdadaanan siya pero masaya ako na nagpaconsult siya.
Bigla nalang sumigaw si kate
Napaupo siya
“Anung nangyari?” Tanung ni Kate habang hinahabol ang kanyang hininga.