Present time (2019)
Kate’s pov
Biglang kumulog at kumidlat.
I look at the sky, it’s so gloomy.
“Mukhang uulan pa ata,” I complain.
Ngayong araw normal akong papasok sa trabaho. Naka-mask, naka-uniform, may bag na dala. As usual walang payong. Hinahapo na naman ako kasi kailangan kong tumakbo dahil palaging late, mahal ko naman itong trabaho ko, habitual late lang siguro.
Isang tipikal na babae. Masasabi mong walang espesyal sakin, kasi wala naman nakakaalam ng pagkatao ko. Ayoko din kasing mayroon makaalam ng mga iniisip ko, mga inner thoughts ganoon. Kaya nga sinulat ko nalang para hindi mo ako makikilala.
Meron akong sakit or ata? Hindi ko alam kung sakit ba ito but since I don't find it normal, siguro nga sakit ito. Wala kasing taong nakakasatisfy ng mga pangangailangan ko bilang babae. Mayroon naman akong mga nakilala, nakasama, naging karelasyon, experience ba! pero wala talaga eh. Hindi ko alam kung sakit ba iyon pero hindi ako nagsasabay-sabay ng mga lalake ah! o sumasayaw sa ibabaw ng lamesa. Tulad nga ng sabi ko, isa lang akong simpleng babae. It’s hard for me to open myself to anyone, alam mo naman sa Pilipinas kailangan ang isang babae mahinahon, mahinhin even my past relationships or any of my friends, nobody knows.
Pero kung tatanungin mo ako kung nagawa ko na iyon sa sarili ko, ang alam mo na mag master-bate. Oo nasubukan ko na nakakaadik nga eh pero syempre minsan pampatulog ko lang talaga siya, madalas pag-stress ako ginagawa ko iyon.
Pero syempre hindi ito katanggap tanggap sa lipunan natin kasi magmula nuon hanggang ngayon at maging sa hinaharap lalaki lamang ang pwedeng gumawa noon.
As of now isa akong Medical Technologist sa isang hindi kilalang ospital sa Laguna.
Napakababa ng sahod hindi makabuhay ng pamilya. Isa pala akong panganay, the bread winner of the family. Napakarami kong obligasyon at napakarami ko ding pangarap hindi lang pangsarili pati sa kanila kasi sila lang ang meron ako.
Pagpasok ko sa loob ng laboratory napansin ko agad si Jo na sobrang busy sa cellphone niya.
Nilapag ko muna ang bag ko.
“Jo anong endorsement?” I asked while performing the daily maintenance in our machines.
“Kate hiring daw sa Sky Manila Hospital gusto mo ba mag-apply?” she asked and show me her phone.
Katrabaho ko si Jo or Jo Kimberly Jhaps, ayan ang totoong mabait, maalaga, walang mga magulang pero matinong babae. Siya ang nagsusupport sa lola’t lolo niya kasi patay na ang mga parents niya.
Nagsmile ako sa kanya “Nakita ko na itong post na ito,” tumingin ako sa kanya “nakapagsa na ako ng resume,” I blink three times and wider my smile.
“Ay traydor pala at iiwan mo pa ako ah!” Sinabi niya ng pabiro at may kasama pang pamewang.
“Aba Jo magsawa ka naman sa akin, ilang taon na tayong magkasama,” sagot ko sa kanya na mayroong kasamang pamewang din.
She pouted.“ Ang sakit naman,” sabi niya sabay hawak sa puso niya.
I tap her shoulder. “Biro lang, alam ko naman na hindi ka makakaapply diyan kasi nandito ang lola at lolo mo walang magaasikaso sa kanila, ayaw lang kita papiliin,” I explain.
She smile. “Ang sweet mo talaga,” she compliments.
“Hindi ako sweet,” I smirked.
Nag-apply ako sa isang ospital sa Maynila at matapos nga ng ilang linggo nagawa kong makapasok sa ospital na ito. Napakalaki ng ospital, napakadaming patient, malamang toxic dito. Madami poging doctor, bakit ba? Ang ganda kaya sa lalaki na nakasuot ng doctor’s coat. Well pati din naman sa babae kasi naman palagi ko pinapangarap maging isang ganap na doktor pero nakahinto ako dito sa laboratoryo kasi hindi ko naman pede i-pursue ang pangarap ko tapos maghihirap ang pamilya ko o hindi makakatapos ang iba kong mga kapatid diba? Tatlo pa kasi silang nagaaral.
After a year tahimik ang naging karanasan ko sa bagong ospital na pinasukan ko. Inaantay ko talaga ang taon na to para makapag pacheck-up ng less ang babayaran, isa kasi sa benefits namin dito sa ospital kapag one year ka na nagwowork as staff kalahati na lang ang babayaran mo. Nabobother na kasi ako sa mga pangangailangan ko, minsan kasi nasusugatan ko na ang sarili ko dahil sobrang… Alam mo na, sa mga kuko. Hindi ba? Even you na nagbabasa nito alam mong hindi to normal right? Kaya napag-disisyunan ko talagang magpacheck-up na.
Isang araw maaga kong pumasok kasi meroon akong schedule sa Psychiatrist. Tama bang ipa-check up ko pa ang pagiging tigang ko? hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa sarili ko parang malala na kasi, hindi ko alam bakit ako ganito.
Oo alam kong natatawa ka pero kasi para sakin hindi siya normal natatakot ako minsan, masama ba yun?
First time ko magpacheck sa psychology, hindi muna ako nag-uniform para makapag shades ako.
Yes nagshades ako, walang pakelamanan dahil kwento ko to.
Napakatahimik lang pala sa building na to akala ko kasi maingay dito pero iba pala kumpara sa mga napapanuod sa TV.
Lumapit ako sa nurse sa information table. Utal pa ang ‘Goodmorning’ ko, hindi ko alam papaano ko e-explain na nagpa-online schedule ako.
Binaba ko ng onti yung shades ko, “ah… ma’am goodmorning,” I smiled.
“Nagpaonline schedule po ako kay Dr. Mexi,” dagdag kong sabi sa nurse.
“Goodmorning ma’am,” she smiles back.
Binuklat ng nurse ang clipboard niya, “check ko lang po ma’am, full name po ma’am?” She asked.
“Kate Sabel Tan po,” I answered.
“Ah okey ma’am nandito po, eto ma’am ang number upo muna po kayo sa waiting area tatawagin nalang po kayo,” inabot niya sakin ang number and tinuro niya ang waiting area.
“Thank you ma’am,” I respond and binalik ko na ulet ang shades ko.
Pagpasok ko sa waiting area, magisa lang ako. Siguro masyado pang maaga kaya ako palang ang tao. Napakalinis ng lugar. Alam mo na kahit ang tagal tagal na ng building na to pero parang walang bahid ng anung kaguluhan. Tapos puting puti pa ang mga upuan pati mga dingding, ang elegante ng dating. Ang bango-bango din dito parang lavander ganoon nakakarelax ang amoy.
Habang naka-upo nagpatugtog muna ako sa headset ko para naman hindi ako antukin. After a few minutes may isang lalaki na pumasok sa pintuan ng Doctor’s room, siguro siya na ang doctor. Masyado siyang mabilis maglakad hindi ko nakita ang muka niya.
Pumasok ang nurse sa waiting area. Tinanggal ko ang headset sa mga tenga ko para marinig ang sasabihin niya.
“ Ma’am Tan pwede na po kayong pumasok sa room ni Doc,” the nurse said.
“Ah okey thank you ma’am,” I said back and smile at her.
Ugali ko talagang magthank you sa mga health workers alam ko kasi ang hirap nila syempre since nasa medical field din ako.
Pagpasok ko sa room kung anong kinaganda ang labas ganoon din namang mas-kinaganda at kinabango ng loob ng room ni Doc. Meron siyang puting-puting sofa at mga mini pillows na color tan at Aztec pattern. Tapos ang dingding nia sa right side pastle color na blue at navy blue naman ang dingding sa left side. Gawa sa puting marmol ang doctor’s table niya at napakaorganize ng table nito na parang pagmamayari ng isang babae. Meroon wooden made na upuan magkabilang dulo ng table, isa at para sa kanya at isa para sa pasyente.
“Goodmorning po Doc,” bati ko sa Doctor.
Nakatalikod pa siya sa akin habang naghahanap siya ng clipboard. Lumapit na ko sa table niya.
“Goodmorning” bati ng Doctor sakin.
Humarap siya sakin. Parang familiar yung muka niya. Dahan-dahan niyang sinuot yung doctor’s gown niya, parang nag-slow motion yung paligid ko. Nakakatulala ang gandang lalaki niya, lalo na noong sinuot niya ang gown niya. Ang tangkad tangkad niya napakalinis niyang tingnan.
“Have a sit,” he command and give me a big smile.
“Thank you po,” I smile back.
Umupo na ko
“Pasensia na kanina ka pa nagiintay sa labas?” he asked
“Hindi naman gaano po Doc okey lang po naiintindihan ko po,” I answered
“Hindi sorry talaga” he insist “anyways working ka pala din dito,” he add.
I nod, napatungo ako kasi nahihiya ako.
“Wag ka magalala alam kong alam mo naman na very strict tayo sa mga patient‘s information, it’s confidential, kaya wag ka magalala okey?” he remind me.
Ngumiti siya sakin sabay bukas ng clipboard niya.
Sa sinabi niya napabitiw ako sa hawak ko sa strap ng sling bag ko na nakalagay pa pala sa katawan ko. Binaba ko muna yung bag ko dahil nakomportable na ako sa sinabi niya, kasi alam kong maselan ang concern ko kaya natatakot ako. Paglapag ko ng bag ko sa bandang kanan nagulat ako. Nakatitig sakin si Doc na parang binabasa na niya agad yung behavior ko. Eto ang dahilan kung bakit ayaw ko nagpapacheck-up sa psychology eh! Yung feeling na parang hinuhubaran ka, I mean parang nakikita niya agad ang pagkatao ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos nag-uumpisa na naman akong maging tuod.
“Ms. Tan ang lahat ng maririnig ko sayo ay kailangan kong isulat sa mga papel na to at i-record para mamonitor natin yung mga bagay bagay, macheck natin kung may iprovement ba, kaya wag kang mabobother kung nagsusulat ako habang nagsasalita ka,” he explain.
I nod. “Okey po doc,” I answer.
Umupo ako ng maayos, inilagay ko yung mga kamay ko sa ibabaw ng hita ko. Nakakatawa parang magcoconfess ako ng kasalanan ko sa eksenang to.
“Wag ka kabahan,” he said softly.
Tumayo si Doc at kumuha ng baso sa kanang table niya at nilagyan niya ito ng tubig, lumapit siya sakin at inabot ang baso. Parang wala namang lamesa at mga baso sa gilid kanina pagpasok ko, tanging yung table niya ang nag-iisang lamesa kanina o baka siguro gutom lang ito, iba iba na nakikita ko. Minsan kasi observant ako, lalo na sa mga design dahil mahilig ako sa arts. Kaya lang siguro kapag gutom ako hindi accurate.
“Eto uminom ka muna para mawala yung kaba mo, relax lang, nanginginig ang kamay mo” he offer.
Inabot ko ang baso. Hindi ko alam kung kabadong-kabado ba ako sa paningin niya pero parang feeling ko hindi naman pero wala kong tiwala sa sarili ko so ininom ko nalang ang inabot niyang tubig.
Sa unang lagok ko parang hindi tubig ang ininom ko, parang wala nga akong nainom eh pero lumagok ako.
“Okey kana?” he worriedly asked.
“Ah okey na po Doc medyo parang bumibigat lang ang mga mata ko,” I answered.
Napapapikit ako.
“Okey ka lang ba Ms. Tan? Maytulog at kumain ka ba bago ka pumunta dito?” he asked again.
Oo nga pala wala akong tulog kasi iniisip ko talaga nitong mga nakaraan kung dapat pa ba akong magpacheck-up nasasayangan kasi ako. Tuluyan na ngang napapikit ang mga mata ko, naririnig ko nalang ang boses ng doctor ngayon.
alalang-alala siya tinatawag ang pangalangan ko pero bilang ‘Sab’ lang
“Sab? Sab!” he panic.
shineshake niya yung braso ko para magising ako. Ako naman parang hindi makalagaw ang katawan ko parang hinang-hina ako. Binuhat niya ako at nilapag sa sofa.
Narinig kong may kumatok at bumukas ang pinto.
“Sinabi ko sayo diba may nakaschedule ngayon! Bakit ka pa pumunta?” he said coldly.
Meron kausap si Doc or kaaway? Para kasing ang sungit ng pagkakatanong niya. Narinig ko ang tuloy-tuloy na pagbukas ng pintuan. Wala kong makita, onti onti narin nawawala yung boses ng Doctor.
“Pumunta lang ako ngayon para …,”isang boses ang narinig ko hindi kalayuan sa akin pero hindi ko na maintindihan ang mga kasunod niyang sinabi.