Pagkauwi ni Maxine sa bahay nila ay agad na bumungad sa kanya ang malungot na hitsura ng Daddy niya. Nakaupo ito sa sala nila hawak ang mga papel na sa tingin niya ay ang dahilan kung bakit ito balisa.
“Dad…” Untag ko sa kanya at bahagya niya ako sunulyapan bago muling ibinalik ang pansin sa mga papel na hawak.
“Anak,Maxine…”
“May problema po ba Daddy?” agad kong tanong sa kanya. Binaba ko ang isang librong hawak ko sa upuan katabi ng backpack bag at saka ko tiningnan ang mga papel na nagkalat sa center table ng sala namin.
“ W-wala na tayong bahay...” parang hirap na hirap ang Daddy niya ng bigkasin ang mga katagang iyon.
Hindi agad nag sink in sa utak niya ang sinabi nito sa kanya dahil parang isang panaginip na naman na masama ang kanyang natuklasan.
Pati pala ang bahay na pinaghirapan ng Mommy at Daddy niya ay mawawala na rin pala? She didn’t move and slowly take a glimps in every corner of their house. Suddenly, some tears fell on her eyes.
“D-daddy…bakit po pati itong bahay ay mawawala sa atin?” nagsimula ng gumaralgal ang boses ko. Hindi ko kayang magpakatatag ng mga oras na iyon lalo na at ang pinag-uusapan ay ang bahay nila na puno ng mga alala niya at ng kanyang pamilya.
“Patawarin mo ako anak, hindi ko ginusto na mangyari to. Akala ko kung sakaling maisasanla ko ang bahay at lupa natin ay magiging maayos din ang lahat, pero hindi iyon ang nangyari.”
Kita ko sa mga mata ng aking Daddy na lubos ang pagsisisi niya. At para naman akong nagising sa katotohanan na talagang mawawala na ang bahay namin.
“Paano na tayo ngayon Daddy? Saan po tayo titira?” Nakuha ko pa rin na itanong ang bagay na iyon sa kanya dahil alam kong iyon ang pinoproblema nito ng malaman na ma e-elite na ng bangko ang bahay at lupa namin.
“May natitira pa akong pera, gamitin natin yun para makahanap ng bagong malilipatan anak.”
Napaupo na lamang ako sa tabi ng aking Daddy na ngayon ay nag-iba na ang boses. Alam kong naiiyak na rin ito sa mga nangyayari sa kanila at gusto niyang tulungan ito sa kahit anong paraan.
Hindi siya pumasok sa university kinabukasan para matulungan niya ang Daddy niyang mag impake ng kanilang mga gamit at mga kagamitan sa bahay.
Nagtext na lang siyang hindi siya makakapasok sa kanyang mga kaibigan at nagsabi naman ang mga ito na sila na ang bahala na magsabi sa mga professor nila kung bakit hindi siya makakapasok.
Pati kay Lucas ay nagtext siyang hindi makakapasok ngayong araw, pero ni isang reply ay wala siyang nakuha dito.
At bahagya siyang nalungkot sa isiping hindi man lang kaya siya namimiss ni Lucas? Bakit parang wala man lang itong pakielam sa kanya kahit na hindi siya makapasok sa eskuwelahan?
Kaya itinuon na lamang niya ang atensyon buong mag hapon sa pag-aasikaso sa mga gamit na dadalhin nila bagong bahay na lilipatan nila.
Gumabi na at lahat ay hindi pa rin tumatawag o nagtetext si Lucas sa kanya. Busy pa rin kaya ito sa trabaho nito at hindi man lang makuhang silipin ang cellphone kung may nagtext o tumawag man lang?
At hindi na siya nakatiis at siya na ang gumawa ng move para makausap niya ito kaya mabilis niyang ni dial ang numero nito na naka saved sa cellphone niya.
Pero laking gulat niya ng hindi man lang mag ring ang cellphone number nito at nakapatay pa!
Maski sa social media account nito ay hindi rin nag o-open , at nakita niyang two days na since nag open ito ng account niya.
Napabuntong hininga na lamang siya at mas pinili na lang niyang maligo pagkatapos ng maghapon nilang pag-aasikaso sa bahay. At bukas na lang niya kokomprontahin ang lalakeng iyon kung bakit hindi man lang ito nagtetext o tumatawag sa kanya.
Sinabi ng Daddy niya kinabukasan kung saan sila pansamantalang tutuloy hanggat hindi pa sila nakakahanap ng pansamantalang titirhan. At sinabi rin ng kanyang Daddy ang ilang adjustment na mangyayari sa kanilang buhay lalo na at wala na talaga silang mapagkukuhan ng pera sa ngayon para pang gastos.
At naintindihan naman niya ito dahil alam niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito hindi man ito magsabi sa kanya.
Bago siya dumeretso sa university ay minabuti niyang puntahan ang tubigan na pinagtratrabahuhan ni Lucas para makausap at makita ito.
At ganun na lang na gulat niya ng malaman na hindi rin pala pumasok si Lucas sa trabaho nito tatlong araw na ang nakakaraan.
Nasan na kaya ang lalakeng iyon? Bigla ay may sumibol na kaba sa dibdib si Maxine at mas lalo pang nadagdagan ang mga iniisip niya dahil hindi niya matagpuan kung saan naglalagi si Lucas. Ngayon pa naman niya ito kailangang kailangan.
Dumaan ang maghapon at walang bakas ni Lucas ang nagpakita sa kanya. Kaya nag desisyon na siyang puntahan ito sa inuupahan nitong apartment kasama ang Mama nito.
Minsan siya nitong dinala doon para ipakilala sa Mama nito kaya tanda pa niya ang lugar na iyon.
Pagtapat niya sa pinto ng apartment na inuupahan nila Lucas ay kinatok niya agad ang pinto nito at makailan pa niya itong ginawa pero walang sumasagot sa loob ng bahay.
“Miss…sila Lucas ba ang hinahanap mo?” Hindi na nakatiis ang isang babae na kasing edaran din niya at tinanong na siya matapos niyang ilang ulit na kumatok sa pinto ng apartment nila Lucas.
“Oo. Hinahanap ko sana si Lucas mayroon kasi akong importanteng sasabihin.” Sagot ko sa babae na ngayon ay nasa harapan ko na.
“Nakuh, kahapon pa siya umalis. Ang pagkakaalam ko dala na niya lahat ang gamit niya kahapon ng umalis. Tapos ay nagpaalam na siya sa landlady nitong apartment.”
Nagulantang siya sa narinig mula sa babae. Talaga kayang umalis na sila Lucas kasama ang Mama niya? At hindi man lang ito nagsabi sa kanya kung saan sila lilipat na mag-ina?
Nagkaroon ng hinanakit sa dibdib si Maxine sa isiping iyon. And suddenly she felt like a nonsense girlfriend for him! Na para bang wala man lang siyang karapatan na malaman ang mga balak at gustong gawin nito sa buhay.
Bagsak ang balikat na umuwi siya dala sa kanyang isipan ang mga nangyayari sa kanyang buhay. Sa kanila ng Daddy niya, at pati kay Lucas…
Kinabukasan ay hindi naman siya nakapasok sa ekskuwelan dahil ito ang araw na itinakda ng bangko para lisanin nila ng kanilang bahay.
Lahat ng gamit na importante muna ang isinakay ng Daddy niya sa kanilang kotse at babalikan na lamang daw nito sa susunod na mga araw ang mga naiwan nila.
Bago tuluyang sumakay sa kanilang sasakyan ay muling nilingon ni Maxine ang iiwanan nilang tahanan. For almost eighteen years, ito na ang kinalakhan niyang bahay, at ngayon sa isang iglap lang kailangan na nilang umalis sa lugar na iyon.
The thoughts of having new house is somehow good to feel but leaving the old home which has a big part in her life is like leaving a piece of her heart to a place that will never be part again of their life.
Pagdating nila sa kanilang apartment na inuupahan ay agad na bumaba ang Daddy niya upang isa-isang kuhanin ang mga gamit na dala nila. At ganoon din ang ginawa niya.
Kahit na pagod sa maghapong paglilipat ay hindi nawala sa isipan ni Maxine si Lucas at kung paanong umalis ito ng hindi nagpapaalam sa kanya.
May sumilay na sakit sa puso niya ng isipin niya ang mga bagay tungkol sa kanilang dalawa. Ganoon na lang ba ang lahat sa kanila? Matapos siyang mahulog ng sobra dito at maramdaman niyang talagang mahal niya ito ay saka naman ito umalis na wala man lang paalam? Ano yun, parang gamit lang siya na iiwan kung ayaw dalhin at itatapon kapag sawa ng gamitin?
Namuo ang mga luha sa mata niya ng maisip niya ang kalagayan ng buhay nila pati ang dahilan ni Lucas kung bakit ito umalis. At wala na siyang ibang naramdaman ng mga oras na iyon kung hindi galit at pagkapoot! Wala itong kuwentang lalake! Asik niya sa sarili.
Magpapatuloy siyang mabuhay para sa kanyang Daddy, at kakalimutan na lamang niyang may nakilala siyang Lucas Malliari, minsan sa buhay niya. Yung ang pinaka mainam niyang gawin at alam niyang mas makakabuti kung tatangalin niya sa sistema niya ang naging relasyon nila ni Lucas. Dahil wala itong maidudulot na maganda sa kanya at sa bagong buhay na tinatahak nilang mag ama ngayon.
“Maxine anak…” tawag sa kanya ng kanyang Daddy.At doon nagliwanag ang kanyang isipan na kanina lang ay puro hindi magandang imahe ni Lucas ang naiisip niya.
“…kain muna tayo anak, mamaya na lang ulit tayo magbukas ng mga box na dala natin.” Yaya nito sa kanya at nagpatianod lamang siya at dinaluhan ang Daddy niya papunta sa kanilang maliit na kusina.