bc

Lucas Montalvo (Irresistable Body Series)

book_age16+
4.3K
FOLLOW
28.5K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
powerful
boss
drama
bxg
city
small town
like
intro-logo
Blurb

Lucas Montalvo....

The name that every woman desires. Kayamanan, katanyagan...at kapangyarihan. Ang lahat ng ito ang natamo ni Lucas ng maging isa siyang Montalvo. At kapalit ng lahat ng ito ay ang pag-iwan niya sa buhay na nakagisnan niya kasama si Maxine Eugenio.

Ito ang una at huling babae na minahal niya. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya na kaya niyang ipaglaban ang pagmamahal niya dito na minsan ay tinalikuran niya? Paano kung naging huli na pala ang lahat at wala na ang pagmamahal na nararamdaman nito sa kanya?

Handa siyang gawin ang lahat maangkin lang niyang muli ang pagmamahal ni Maxine na siyang tinitibok ng kanyang puso at natatanging babae sa kanyang buhay. At hindi siya papayag na hindi niya ito maging asawa at ina ng kanyang mga magiging anak.

chap-preview
Free preview
Prologue
Isang malakas na puwersa ang ininda ni Lucas mula sa pagkakatulak sa kanya sa pader ng isang lalakeng nakabungguan niya sa canteen kanina. “Layuan mo si Maxine pare kung ayaw mong mapasama,” wika nito sa kanya na may kasamang pagbabanta. Hindi niya alam kung talagang kakilala ba ito ni Maxine dahil binanggit nito ang dalaga na nakilala niya sa library ng university at nang lumaon ay naging kaibigan niya. “Sino ba kayo hindi ko kayo kakilala. Kaya bakit ko kayo susundin?” matapang niyang tanong sa mga lalakeng nakapaligid sa kanya. “Magpakilala ka raw Roland, hindi ka pala kilala ng karibal mo? Ka badtrip ‘yun, bro!” tudyo ng isa sa mga kasama nito. At nagtawanan pa ang iba nitong mga kasama dahilan kung bakit lalo itong nagalit at umusok sa galit. “Sige, magpapakilala ako, Roland Samaniego ang pangalan ko. Tandaan mo na mabuti ang mukhang ito, dahil ito ang mukhang mag ngungudngod sa iyo sa lupa kapag hindi mo pa rin tinigilan si Maxine sa kakasunod-sunod mo. Naiintindihan mo ba?” Matapang nitong asik sa kanya. Kung sa iba siguro ay baka kumaripas na nang takbo ang taong kausap nito dahil sa laki ng boses at galit na tono nito. Pero siya ay hindi, wala siyang takot na maramdaman dito at napangisi na lang siya ng titigan siya nito ng matalim. Kahit kailan ay hindi niya nakita ang sariling matatakot siya sa isang tao dahil lang sa nakikipagkaibigan siya sa isang babae. Oo, aaminin niyang may tinatago siyang nararamdaman kay Maxine kung bakit palagi niya itong kinakausap at tinutulungan sa mga assignments nito. Pero kung sinabi naman ni Maxine sa kanya na may boyfriend ito ay hindi na siya lalapit sa dalaga. At tinanong naman niya ito kung may boyfriend ito ngayon, at ang sabi nito sa kanya ay wala raw itong karelasyon ngayon. Kaya bakit naghihimutok ang isa na’to kung kausapin man niya si Maxine? Wala naman itong relasyon sa dalaga. Nakipagtitigan ako sa kanya ng masama hanggang sa may dumating na mga professor mula sa di kalayuan. Kaya napilitang dumistansiya ang mga kasama nito sa kanya at nagpanggap na mayroon lang binabasang mga libro sa isang tabi. Maging si Roland na nagsimula ng gulo ay medyo itinago din ang sarili sa isang gilid para hindi makita ng mga professor na paparating. At nang makita ng mga ito na nakapasok na ang mga professor nila ay agad siyang binalikan n iRoland at inismiran. “Babalikan kita Lucas, hindi pa tayo tapos!” matapang na banda nito kanya. Kahit ganoon ang nangyari ay hindi pa rin siya nakadama ng takot sa mga sinabi nito. At wala siyang balak na sundin ang gusto nito. Magpapatuloy siya na makikipagkita kay Maxine dahil doon siya masaya at wala siyang ginagawang masama para layuan ito. Dumaan ang ilang araw at hindi na niya nakita pang muli ang mga lalakeng nakaharap niya partikular si Roland. Patuloy niyang kinakausap si Maxine at nagkikita sila sa ilang mga minor subject na magkakaklase sila. At naging madalas ang pag-uusap nila hanggang sa naging panatag na ang loob nito sa kanya. Alam din nito na isa siyang working student. Kaya madalas ay pinagbabaon pa siya nito ng tubig at sandwiches at baka daw abutan siya ng gutom sa trabaho. Dahil doon ay mas lalo niyang minahal si Maxine. At nakikita niya ang kanyang hinaharap na ito ang kasama niya, maging sa kanyang pagtanda. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Lucas nang makita niya si Maxine sa court kung saan katatapos lang nitong maglaro ng badminton. Bagay na bagay dito ang suot nitong P.E shirt at cotton short na hanggang tuhod. Ang mahaba at kulay itim na buhok nito ay naka ponytail. At isa iyon sa mga parte ng katawan nito na gustong-gusto niya. Inalam pa niya sa mga kaklase nito ang buo nitong pangalan. Marami ang may crush kay Maxine kaya naaalangan pa siyang magpakkilala at makipagkaibigan dito. Buti na lang at isang araw ay aksidente niya itong nabunggo sa library habang pareho silang naghahanap ng mga librong gagamitin nila sa research subject nila. Hindi niya inasahan na kahit siya ang nakabunggo dito ay hindi ito nagalit. Sa halip ay nginitian pa siya nito matapos niyang iabot ang mga nahulog na libro na kinuha nito sa shelf. “Thank you,” saad ni Maxine sa kanya. At inabot nito ang mga librong pinulot ko gamit ang mga mapuputi nitong kamay. Kukuhanin na sana ni Maxine ang mga libro ng bigla ko itong bawiin pabalik sa akin. Nag-ipon ako nang lakas ng loob saka ko siya tiningnan sa mata. “G-gusto ko sanang makipagkilala,” kinakabahan kong saad sa kanya . At inilagay ko pansamantala ang mga librong hawak ko sa gawing tagliran ko. Hindi agad nakasagot si Maxine sa sinabi ko kaya nagulat ako ng mag-angat siya ng tingin at saka ngumiti sa akin ng ubod ng tamis. “Okay,” sa wakas ay sagot niya sa akin. “I’m Lucas Mallari.” Excited kong sinabi ang aking pangalan sa kanya at hindi naman ako nabigo at inilahad ni Maxine ang kanyang isang kamay sa harapan ko tanda na gusto rin niyang makipagkilala. “Maxine Eugenio.” Sa pangatlong pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti sa akin at nasilayan ko ang mga mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Parang may mga nagliliparang fireworks sa harapan ko ng sa wakas ay mahawakan ko ang maninipis at mapuputing kamay ni Maxine. Walang mapagsidlan ng tuwa ang puso ko dahil nakilala ko na rin ang babaeng sa unang kita ko pa lang ay nagbigay-kulay na sa buhay ko. At simula noon ay madalas na silang magkita ni Maxine. Palagi silang nagkukuwentuhan sa maraming bagay. At minsan ay nagpapaturo pa ito sa kanya ng mga assignments dahil hindi raw nito nasundan ang tinuro ng kanilang prof. Masaya naman niya itong tinuturuan dahil sa mga pagkakataong iyon ay masasabi niyang, it feels like heaven kapag kasama at katabi niya ito. Sa ilang lingo na magkilala sila ay marami siyang natuklasang ugali nito. Mabait, simple lang ito hindi katulad ng ibang nakikita niyang mga babae sa campus na mahilig malagay ng kung ano-ano sa mukha para lang magmukhang maganda. Para sa kanya, ang ganda ni Maxine ay katulad ng isang perlas na minsan mo lang masisilayan. Masayahin rin ito at palagi itong tumatawa sa mga kwento na sinasabi niya. Naisip niya tuloy, gaano kaya kasarap ang mahalin ng katulad ni Maxine Eugenio?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
63.1K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook