Story By Ynah Mendoza
author-avatar

Ynah Mendoza

ABOUTquote
In READING, we can imagine life as perfect as it is! WHEN THE TIME IS RIGHT, I THE LORD WILL MAKE IT HAPPEN Isaiah 60:22 Hope you can follow my account on dreame and yugto, and read my stories that will surely give you inspiration and hope that in life. ..love really exists!!!❣️
bc
Sandaling Kapiling Ka
Updated at Jul 6, 2024, 06:01
Bata pa lang ay naranasan na ni Yohann ang hirap ng buhay. Habang nasa kalye ay nakilala nito ang ama ni Martina na si Mang Antonio na tumulong kay Yohann na makakain. Hindi makakalimutan ni Yohann ang mag-ama at ang kabutihan ng mga ito hanggang sa naging isa na siyang matagumpay na doctor. Aksidenteng nagtagpo muli ang landas ni Yohann at Martina ng isugod sa hospital ang Tatay nitong si Mang Antonio. At sa mismong hospital na pagmamay-ari ni Yohann nadala ni Martina si Mang Antonio. Sa pagtatagpo kaya ng landas ng dalawa ay magagamot kaya ang ilang taong lumipas na hindi nawala sa isipan ni Yohann si Martina? Oh ito ang magiging daan para mabuo ang isang pagmamahalan na tinadhanang maramdaman ng mga sa isa't isa?
like
bc
EZEKIEL MONTALVO ( Irresistible Body Series) TAGALOG
Updated at May 20, 2023, 00:29
Ezekiel Montalvo... Bunso sa tatlong magkakapatid na Montalvo. He's a typical guy who wanted to be in the world full of ladies. Masaya siya sa buhay na malaya, walang commitment until makilala niya si Cathlyn Agustin. Isa ito sa empleyado ng Montalvo Advertising Agency. Makakaya kayang baguhin ng isang Cathlyn Agustin si Ezekiel Montalvo? At handa kayang maging tagapagligtas ni Cathlyn ang amo nitong si Ezekiel laban sa mga nagtatanka sa buhay nito? Abangan natin ang kuwento ni Ezekiel Montalvo at Cathlyn Agustin hanggang sa mapatunayan nila na ang pag-ibig ay nakatakdang maramdaman ng dalawang taong tinadhana sa isa't isa at inilaan na pagtagpuin ang kanilang mga puso upang sa huli ay makamtam nila ang isang pag-ibig na wakas at totoo.
like
bc
The Billionaire's Second Wife (Tagalog)
Updated at May 10, 2022, 04:23
Yugto Writing Contest- Girl Power Ang pusong nagmamahal at nasasaktan ay pangkaraniwang matibay at hindi basta nagpapatinag. Ito ang katangian ni Ava Solis ng piliin nitong mahalin si Theodore Galvez, isang business tycoon. Nalaman ni Ava na ang pag-ibig na pinagsaluhan nilang dalawa ni Theo ay hindi legal dahil natuklasan niyang may-asawa ito. Lumayo, binuo ang sarili at sa huli ay nagtagumpay na baguhin ang buhay ng dahil sa isang pag-ibig na sa simula pa lang ay mali na. Ngunit kaya bang panindigan ni Ava ang pag-ibig para kay Theo na una niyang minahal? Oh, sa huli ay magpapaubaya siya kapalit ng kanyang kaligayahan?
like
bc
Mr. Wrong becomes Mr. Right
Updated at Apr 24, 2022, 02:17
Ang sabi ng iba, magmahal ka ng kabaligtaran ng ugali mo at doon mo makikita ang totoong pagmamahal. Na sa kabila ng kaibahan ng mga gusto ninyong gawin sa buhay ay nandun pa rin ang saya kapag magkasama kayong dalawa. "Willing to wait and still hoping na makilala si Mr. Right! kahit na trenta anyos na ako ay hindi ako kinakabahan na hindi makapag-asawa! Ilang bilyon ba ang tao sa mundo? Kahit isa naman siguro sa mga iyon ay may inilaan si Lord sa akin hindi ba?" ALYANNA Paano mo masasabi kung ang isang lalake ay ang siyang nakatadhana para sa iyo? Ito ang ang palaging tanong ng marami, pero sa katauhan ni Aya na isang probinsiya at hindi hinahanap ang pag-ibig ay bigla na lang itong nanghina ng makita ang isang lalakeng inakala nitong dayo sa lugar nila. Ito ay si Marcus Napoleon, ang anak ng gobernor sa Ilocos Sur. Isang modelo sa Manila na napilitan lang umuwi ng Ilocus Sur dahil sa pakiusap ng ama nito. Pero hindi nito inakala na sa pag-uwi muli nito ay makilala nito si Aya Ramos. Maganda at simpleng dalaga pero brusko ang dating. Hindi maganda ang pagkikita ng dalawa ng sa unang beses na magtagpo ang mga landas ng mga ito ay parang mga aso't pusa ang dalawa. Pero sa muling pagkikita ni Marcus at Aya ay biglang maiiba ang ihip ng hangin. Magkakaroon ng spark at liwanag ang paligid ni Aya na hindi nito maintindihan sa tuwing makikita nitong nakakatitig dito si Marcus. At iyon na ang naging daan ng masaya, nakakatuwa at nakakaiyak na kuwento ng pagmamahalan ni Marcus at Aya. Abangan natin ang kuwento ng pag-ibig ng ating dalawang bida at sabay-sabay tayong tumawa, maiyak at mangarap na sa ating buhay ay may isang Mr. Right para sayo na inilaan ang Diyos.
like
bc
The Billionaire's Beauty Queen (Tagalog)
Updated at Mar 29, 2022, 03:28
Being beautiful is not easy...it takes a lot of courage to prove it! Ito ang palaging nasa isip ni Chantal sa tuwing nawawalang siya ng pag-asa na matutupad pa ang pangarap niya bilang isang beauty queen. Sa tulong ng isang kaibigan ay nakaluwas siya ng Manila mula Bicol at doon niya sunimulang tuparin ng pangarap niyang maging beauty queen, hindi lang dito sa bansa kung hindi sa buong mundo. Hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na hindi lang pangarap niya ang kanyang matutupad kung hindi ang pangarap ng isang taong sa malayo pa lang ay iniibig na siya. Oswald Sobel...ito ang pangalan ng lalakeng nagnakaw ng una niyang halik at sa huli ay aangkin ng kanyang puso. Si Oswald ay isang mayamang tao na naging judge sa beauty contest kung saan siya sumali, at doon ay nagkilala sila at nagkaibigan. Magiging kasing ganda kaya ng kanyang pangarap ang pag-ibig na mararamdaman niya kay Oswald Sobel? Oh...maglalaho rin ang pag-ibig niyang ito katulad ng paglipas ng ningning ng isang bituin?
like
bc
The Billionaire's Secretary
Updated at Feb 7, 2022, 20:11
COMPLETED and TAGALOG!!! Dahil sa isang aksidente ay nakilala ni Andrea ang mag-asawang Alcantara. Inalok siya ng mag asawang mayaman na nagligtas sa kanya kung maaari siyang ampunin ng mga ito bilang legal na anak. Pero may apat na lalakeng anak ang mga ito na dapat niyang harapin pagdating nila ng mansyon. Pinag-aral si Andrea ng mga ito at naging parte ng kanilang kompanya ng lumaon. Hanggang sa naging personal secretary siya ng panganay na anak ni Don Agusto. Makayanan pa kaya niyang itago ang tunay niyang nararamdaman para kay Dylan? Paano kung tuluyan na siyang mahulog sa mga titig at mapag angkin nitong mga halik? Nang magkasama na sila sa iisang condo ay may natuklasan si Andrea sa nararamdaman niya ay Dylan. At hindi na niya ito kaya pang pigilan pa! Nagkaroon ng isang pagsubok sa kanilang relasyon at dahil dito ay pinatatag ang kanilang pagmamahalan. Ngunit hanggang kailan siya maghihintay sa pagbabalik ni Dylan sa kanilang buhay? Sa buhay nilang mag ina...
like
bc
Having an Affair with My Brother (Tagalog)
Updated at Jan 29, 2022, 03:40
Lahat ng katangian ng isang lalake na maaaring magustuhan ni Chloe ay nakikita niya sa kanyang Kuya Paulo. Lahat ng manliligaw niya ay inaasam niyang may isang katulad nito. Pero bigo siya... Lumipas ang mga araw at parang may nag-iba sa nararamdaman niya para sa kanyang kapatid , at hindi ito maaaring mangyari! Hindi niya ito maaaring mahalin dahil kapatid niya ito! Isa itong kasalanang mortal kaya naisipan niyang lumayo para hanapin ang kanyang sarili na unti-unti ay hindi na niya nakikilala dahil sa maling nararamdaman niya sa kanyang kapatid. Sa paglayo kaya niya sa kanyang pamilya ay mas lalo lang kaya siyang maguluhan? Oh magiging daan ito para masagot ang lahat ng mga tanong sa puso't isipan niya? Abangan...
like
bc
My Possessive EX-LOVER
Updated at Jan 13, 2022, 14:43
Paggkabigo ang naranasan ni Sean ng tanggihan ni Shanelle Jade ang pag-ibig na inaalok nito sa dalaga. Isang nerd at timid lalake si Sean at iyon ang dahilan ni Shanelle kung bakit nito tinanggihan ang binata. Ginamit ni Sean ang mga masasakit na salitang binitawan ni Shanelle upang baguhin nito ang katauhan at maging isang bagong Sean sa muling pagkikita ng dalawa. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkita ngang muli ang dalawa pagkatapos ng pitong taon. Hindi katulad ng dati, si Sean ay isa na ngayong guwapo, mayaman at maimpluwensiyang tao sa business world na kinagulat ni Shanelle. Hanggang kailan kaya itatago ng dalaga ang totoong dahilan nito sa pagtanggi nito sa pag-ibig ni Sean dati? At mapapatawad pa kaya ito ni Sean pagkatapos ng mga pinagdaanan nitong sakit ng tanggihan at iwanan ito ni Shanelle? Abangan natin ang pag-iibigan ni Sean at Shanelle na hindi man pinagtagpo sa umpisa pero sa huli ay sila pa rin ang tinadhana na magmahalan hanggan sa huli.
like
bc
My Suspicious Husband (Tagalog)
Updated at Nov 27, 2021, 18:52
Isang maganda at matalinong babae si Lyka, but her intelligence is not enough to control her emotions and feelings for a man that she believes…her destiny. Hanggang sa nabuntis ito at iwan ni Leo. Ang lahat ng sakit ng kahapon ay pinilit nitong kalimutan at lagpasan sa tulong ng pamilya. Lahat ng pag-aaruga at pagmamahal ay ibinigay nito sa pinakamamahal nitong anak na si Allison, ang nag-iisa nitong prinsesa. Lumaki itong masayahin at matalinong bata... Dumaan ang limang taon at nagbalik muli si Leo ang ama ni Allison. Sinubukan nitong makilala ang anak nito kay Lyka, ngunit tinulungan ni Lance si Lyka na mailayo si Allison kay Leo. Si Lance ang kuya ni Jane na bestfriend ni Lyka. Successful, mabait at responsableng lalake, ito ang mga katangiang ni Lance na naging dahilan kung bakit nahulog agad ang loob ni Lyka dito at napaibig ito. Gagawin nito ang lahat para tulungan si Lyka at Allison laban lay Leo. Ngunit hanggang kailan kaya lalaban si Lyka kung ang pagmamahal ni Lance dito ay mayroong tinatagong lihim? Malalagpasan kaya ng dalawa ang unos sa pagmamahalan nila at makapagsisimula ng bagong buhay kasama si Allison? Abangan...
like
bc
SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series) TAGALOG
Updated at Nov 27, 2021, 00:59
Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
like
bc
My Lawfully Virgin Wife (Tagalog)
Updated at Oct 10, 2021, 22:27
Sa murang edad ay nakilala ni Renzo si Cassandra ng minsan magkita ang dalawa sa bahay ng mga Sebastian. Guwapo at matalino si Renzo kaya walang babae ang hindi magkakagusto dito. Kasama sa mga babaeng iyon ay si Cassandra. Maganda at mabait si Cassandra. Wala siyang hindi gagawin para sa kanyang mga magulang. Ngunit lahat ng pangarap nito sa pamilya ay naglaho ng ibigin nito si Renzo Sebastian. Minahal ng dalawa ang isa't isa. At naging masaya ang mga araw na nagdaan sa mga ito. Nang malaman ng mag-asawang Sebastian ang relasyon ng dalawa ay agad na pinaghiwalay ng mga ito sina Renzo at Cassandra. Pero huli na ang lahat at nagtanan ang dalawa. May nangyari sa mga ito at nabuntis si Cassandra. Nang bumalik ang dalawa sa tahanan nila Renzo ay akala ng mga ito ay magiging maayos na ang lahat, ngunit nagkamali sila. Pinaglayo pa rin ang dalawa ng mga magulang ni Renzo hanggang sa pinalayas ng mga ito si Cassandra. Naiwan ang anak ni Cassandra sa mga biyanan nito kasama si Renzo pagkatapos nitong umalis ng bansa at ng lumaon ay naging isang sikat na modelo sa London. Tuluyan na kayang magkakahiwalay ang dalawa? Oh pagtatagpuin pa rin sila ng pagkakataon pagkatapos ng ilang taon? Abangan...
like
bc
Lucas Montalvo (Irresistable Body Series)
Updated at Sep 26, 2021, 04:08
Lucas Montalvo.... The name that every woman desires. Kayamanan, katanyagan...at kapangyarihan. Ang lahat ng ito ang natamo ni Lucas ng maging isa siyang Montalvo. At kapalit ng lahat ng ito ay ang pag-iwan niya sa buhay na nakagisnan niya kasama si Maxine Eugenio. Ito ang una at huling babae na minahal niya. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya na kaya niyang ipaglaban ang pagmamahal niya dito na minsan ay tinalikuran niya? Paano kung naging huli na pala ang lahat at wala na ang pagmamahal na nararamdaman nito sa kanya? Handa siyang gawin ang lahat maangkin lang niyang muli ang pagmamahal ni Maxine na siyang tinitibok ng kanyang puso at natatanging babae sa kanyang buhay. At hindi siya papayag na hindi niya ito maging asawa at ina ng kanyang mga magiging anak.
like