bc

Having an Affair with My Brother (Tagalog)

book_age16+
4.2K
FOLLOW
16.7K
READ
love-triangle
possessive
family
powerful
drama
sweet
bxg
male lead
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng katangian ng isang lalake na maaaring magustuhan ni Chloe ay nakikita niya sa kanyang Kuya Paulo. Lahat ng manliligaw niya ay inaasam niyang may isang katulad nito. Pero bigo siya...

Lumipas ang mga araw at parang may nag-iba sa nararamdaman niya para sa kanyang kapatid , at hindi ito maaaring mangyari! Hindi niya ito maaaring mahalin dahil kapatid niya ito! Isa itong kasalanang mortal kaya naisipan niyang lumayo para hanapin ang kanyang sarili na unti-unti ay hindi na niya nakikilala dahil sa maling nararamdaman niya sa kanyang kapatid.

Sa paglayo kaya niya sa kanyang pamilya ay mas lalo lang kaya siyang maguluhan? Oh magiging daan ito para masagot ang lahat ng mga tanong sa puso't isipan niya?

Abangan...

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Bumabalot na Kalungkutan
        "Kuya Paulo!" sigaw ni Chloe ng makakita siya ng ipis habang nasa garden siya. Mabilis naman itong lumapait upang tingnan siya.         "What? Parang nakakita ka naman ng ahas d’yan kung makasigaw ka Maria Chloe." Asar nito sa kanya.         "K-kasi...may ipis akong nakita dun sa gilid ng paso kuya." Nakangiwi niyang sagot dito, napakapit din siya agad sa matipuno nitong braso. Halos itago pa nya ang mukha sa malapad nitong likod sa takot.         "Wala na ang ipis, and what are you doing here in the first place?" Paninita nito sa kanya. Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa braso nito.         "Wala kasing signal sa loob, so I chose to come here." Sagot niya dito habang nakatitig pa rin ito sa kanya na parang sinisigurado kung tama ang sagot niya.         "Next time, h'wag ka nang lumabas para lang sumagap ng signal. Pwede mo namang restart ang wifi modem, right?"         Hindi talaga siya mananalo kahit kailan sa kanyang kuya Paulo. Palagi na lang itong may dahilan at sagot sa lahat ng kapilyahan niya. He's been a good brother to her since bata siya. And now that she's finally twenty one, para pa ring baby ang turing nito sa kanya. Lahat halos ng nangliligaw sa kanya ay ito muna ang humaharap, kaya ang ending...wala pa siyang naging boyfriend since birth. Napaka istrikto nito pagdating sa kanyang mga suitors, daig pa ang kanyang Daddy na pinapayagan naman siyang magboyfriend ng tumuntong na siya sa tamang edad. In all those care and being the best kuya na pagtrato nito sa kanya, masasabi niyang she's so lucky to have him as her brother.         "Hmmmp, para dito lang sa labas...bawal pa rin?" Irap niya dito.         "Ang sa akin lang, paano kung wala ako sa bahay? Si Dad and Mom naman ay di ka agad mapupuntahan, sino ang sasaklolo sayo kapag nagtitili ka d’yan dahil sa ipis? Sige nga?" Alam niyang nagsisimula naman siyang asarin nito, at sa huli ay wala siyang puwedeng gawin kung hindi ang sumunod dito.         "Okay po, para kang matanda kung magsermon kuya. Haizt…" Reklamo niya dito.         "By the way, I'll be out for dinner. I’ll be coming home late and sila Dad naman tomorrow pa darating from Hongkong." Balita nito sa kanya.         "Okay. Kuya, remember Brix? Pupunta siya dito for dinner,magpapaluto sana ako kay Manang Ising. Since na wala ka naman mamaya sa dinner, kami na lang dalawa ang kakaen dito sa bahay okay lang?" Pagpapaalam niya dito. At katulad ng dati ay bigla namang kumunot ang mga kilay nito kapag narinig na nagpapaalam siya sa mga pagbisita ng mga suitors niya.         "No. Hindi mo siya papupuntahin dito sa bahay lalo na at wala ako. Sila Daddy ang unang magagalit kapag nagpumilit kang pumunta dito ang lalakeng iyon," matigas nitong pahayag sa kanya.         "Well, alam ko namang sasabihin mo yan kaya nauna na akong magpaalam kila Dad. And guess what, pumayag sila na bumisita dito si Brix basta at hindi siya masyadong gagabihin." Nakangiti niyang sagot sa kanyang Kuya Paulo.         "Ma. Chloe! Huwag matigas ang ulo mo,okay? Hindi mo papupuntahin ang lalakeng iyon dito sa bahay." Pinal nitong sabi sa kanya. Pero sa halip na sumang-ayon siya sa sinabi nito ay tuluyan na siyang bumitaw sa braso nito at saka lumakad papasok ng main door ng bahay nila.         "Not this time, kuya." Nakangiti niyang sagot dito na lalong nagpagalit sa awra nito. Nakita pa niyang inilagay nito ang dalawang kamay sa waist nito ng isara niya ang pinto ng kanilang bahay. Finally, siya naman ang masusunod kung sino ang mga gusto niyang makasama.         Pumunta nga si Brix sa bahay nila katulad ng usapan nilang dalawa. Nakita naman niyang umalis ang kanyang Kuya Paulo kaya dahil doon ay medyo nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman niya hahayaang gabihin masyado si Brix sa bahay nila kahit na nagpaalam siya sa kanyang mga magulang. At sigurado naman siya na makakauwe ito ng maayos dahil may dala itong sariling kotse.         "Chloe…" Sinalubong niya sa entrance door nila si Brix na sakto namang kabababa lang ng kotse nito. Napansin niya agad ang mga white roses na dala nito.         "Brix,ang akala ko ay mga past seven ka pa darating?" Nakangiti niyang bati dito.         "Yeah, but I chose to came here early para makapagkwentuhan pa tayo ng matagal.And by the way, this is for you." Agad niyang tinanggap ang bouque of roses na dala nito at inamoy.         "Thank you for these flowers." Inilapit niya sa kanyang ilong ang mga bulaklak at saka niya inamoy.Napangiti siya pagkatapos at saka niya ito niyaya na pumasok sa loob ng kanilang bahay.         Habang kumakaen sila ng hapunan ay manaka-naka ang tawanan nila, at gustong-gusto niya ang palaging pagbibiro ni Brix sa mga simpleng bagay na nagpagkukuwentuhan nila. Hindi ito boring kasama at palagi itong may nakahandang joke sa kanya.          "And I know na magugustuhan mo ang resort namin sa Aurora. I’m sure you will enjoy that place, tahimik and relaxing." Mayamaya ay kuwento nito sa kanya. Napag-usapan kasi nila kung saang mga lugar masarap magbakasyon. At bigla nitong naisip na ikuwento ang resort na pagmamay-ari ng pamilya nito.         Napangiti na lang siya. Sana ay dumating ang panahon na payagan siyang sumama ng kanyang mga magulang sa resort nila Brix. Bigla naman niyang sumagi sa isip niya ang kanyang Kuya Paulo, siguradong ito ang unang-una na tutulol kapag sinabi niya ang bagay na iyon sa kanyang mga magulang, baka nga magpaparty pa siya kung papayagan siya nito agad-agad. Baka marining pa lang nito ang pangalang Brix ay umiiling na ito at paniguradong its a big NO ang sagot nito sa kanya. Napabuntonghininga na lang siya pagkatapos.         "Buti ka pa ang dami mo nang napuntahang lugar for enjoyment nuh?And with your friends pa. Samantalang ako, nakakagala nga kaya lang palagi namang kasama ang mga parents ko at si Kuya Paulo."         "Huwag kang mag-alala Chloe, one of these days ay ipagpapaalam kita kila Tito at Tita para makapagbakasyon ka sa Aurora kasama ko." Pangako nito sa kanya. Uminom siya saglit sa baso ng juice niya at nginitian ito.         "How I wish na pumayag sila Brix, lalo na si Kuya Paulo?" Nakangiti niyang turan dito pero sa isip niya ay hindi talaga siya naniniwalang papayagan siyang magbakasyon kasama ito, kaya napailing na lang siya pagkatapos.         "Speaking of your Kuya Paulo, sobra naman ata ang pagkaprotective nya pagdating sayo nuh? Imagine lahat ng manliligaw mo sa college ay natakot nya, ako lang ata ang matapang tapang na hindi sumusuko sayo," pabirong saad nito sa kanya. Totoo naman ang sinabi nito sa kanya kaya nga hindi man lang niya nakikilala pa ang mga suitors niya ay sumusuko na ang mga ito lalo na kapag nakilala na ng mga ito ang kanyang Kuya Paulo.         Bukod sa matangkad ito, plus ang malaki at matikas nitong katawan na kinahuhumalingan ng maraming babae…sino ba naman ang hindi mai-intimidate once na makausap na ito? Kaya ang ending ay susuko na lang ang mga manliligaw niya ng dahil na rin sa pagiging protective nito sa kanya.         Nagpatuloy ang masaya nilang kwentuhan habang kumakain at pagkatapos ay niyaya niya si Brix sa entertainment room nila para manuod ng movie. Talagang nagdownload pa siya ng mga romantic movies para maanuod nilang dalawa, pagkatapos ay nagpaluto rin siya ng popcorn and drinks nila sa kanilang maid. Kasalukuyan silang nanunod ng movie ni Alden Richards at Katrin Bernardo ng may marinig silang busina ng sasakyan mula sa labas ng kanilang bahay. Agad siyang napatayo para silipin sa glass window ng silid kung sino ang sakay ng dumating na kotse sa baba. At ganun na lang ang panlalaki ng mata niya ng mabungaran niya ang Ford na kotse ng kanyang Kuya Paulo!         s**t! Bakit ang agang umuwe ni Kuya? Dati rati at halos abutin na ito ng madaling araw sa mga business meetings at party na pinupuntahan nito. Bakit ngayon ay pasado alas nuwebe pa lang ay umuwe na ito agad? Bumalik ang tingin niya kay Brix na tahimik lang na nanunuod ng movie. Nagdasal na lang siya na sana ay dumeretso na ito sa sarili nitong silid at h'wag na silang sitahin ni Brix tungkol sa pagbisita nito sa kanya.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
227.9K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.4K
bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.7K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook