Chapter 1- Mister Wrong becomes Mr. Right
“Alyanna!” isang boses ang umalingawngaw sa buong kabahayan nila Aya ng umagang iyon at kulang na lang ay mabulabog ang mga butiki at gagamba sa itaas ng kisame namin sa lakas ng boses ni She-she.
“Uy, ano ba…may sunog lang ba at kulang na lang ay mapugto ang leeg mo sa kakahiyaw d’yan?” Inis kong tanong sa kanya ng makababa ako mula sa limang baitang na hagdan ng bahay namin.
“Ay, sorry naman. Naexcite kasi ako...” Agad ay sagot niya sa akin ng walang paalam itong umupo sa kawayang upuan namin sa sala.
“Tsssk! At ano naman iyon aber?” Naiiling kong tanong kay She-she na habang tumatagal ay lumalala ata ang kulay ng buhok nito. Noong nakaraang araw lang ay kulay pula na parang panabong na manok ang kulay nito, ngayon naman ay berdeng-berde na kung itatabi sa isang puno ay baka masama pang mahalabas dahil sa kakulay ng dahon an buhok nito.
“Alam mo ba?” Excited nitong simula.
“Hindi pa. Paano kong malalaman yun kung ngayon mo pa lang sasabihin sa akin di’ba?” kunwari ay biro ko sa kanya na inirapan lang ako pagkatapos.
“Bruha ka talaga Alyanna Ramos.” Muling hirit nito sa akin, ako naman ang natawa sa sinabi nito.
“Ikaw eh…”
“Seryoso, malapit na ang piyesta dito sa atin hindi ba?”
Napaayos ako ng upo at saka ako sumagot sa tanong niyo.“Oo, bakit?”
“Ang bali-balita sa bayan ay darating daw sa libenaryo ang anak ni Governor Napoleon.” Kitang-kita ko sa mga mata ni She-she ang kilig ng ibalita nito sa akin ang tungkol sa anak ng gobernor ng Ilocos Sur.
Ni hindi ko nga alam ang hitsura nito at nakakatawa mang sabihin pero wala akong social media account. Kahit ang gamit kong cellphone ay di keypad lang, aanhin ko ba ang cellphone na mamahalin kung wala naman akong pang load hindi ba? Napailing na lang ako. Tanging ang isang maliit na flat screen t.v ang nagiging libangan ko pagkatapos kong silipin ang bukid namin na taniman. May mga inuupahan ang mga lolo at lola ko para mag-aksikaso ng taniman naming bukid at may edad na ang mga ito.
“Tapos?” dugtong kong tanong sa sinabi ni She-she na ikinawala ng ngiti nito sa mga labi.
“Anong tapos? Hindi ka man lang ba kinilig sa binalita ko?Ang guwapo kaya ng pangalawang anak ni Governor Napoleon, mas guwapo pa raw sa panganay nitong si Sandro.”
Napangiwi lang ako sa harap ni She-she at saka ako tumayo para sana ito ikuha ito ng maiinom sa kusina.”Ano naman ang dahilan at kikiligin ako sa pagdating ng anak ni Governor Napoleon? Ni Hindi ko nga siya kilala eh.” Pagtatanggol ko sa sarili ko at panigurado ay paparatangan na naman niya akong isang manhid at walang kamuwang-muwang sa mundo.
“Alyanna Ramos, susme ka. Maawa ka nga sa sarili mo. Ilang taon ka na ba?” Sinundan pa talaga niya ako sa maliit naming kusina habang nagsasalin ako ng timplado ng juice sa ref.
“Trenta na ako, bakit masama?” Inosente kong tanong sa kanya. Kasabay kong iniabot dito ang baso ng juice na sinalin ko ng laman.
“Ang point ko, sa edad mo na yan abe dapat man lang ay kinikilig ka at nakikipag mingle sa mga boys. Ganern! Hindi yang nilolosyang mo yang sarili mo sa gitna ng bukid. ” At saka ito uminom ng juice sa baso.
“Bakit binabaril na ba sa Luneta ngayon ang mga babaeng nasa trenta na pero wala pa ring asawa?” Muntik ng maibuga ni She-she ang ininum nitong juice ng marinig nito ang sinabi ko.
“Aya, ano ka ba naman.Bahala ka nga! Kung gusto mong tumandang dalaga, sumige ka. Ayun ang punta ni Lolo Kaloy mo, magdilig ka ng halaman sa bukid nyo at baka sakaling dun ay matuwa pa ang didiligan mong talong at kamatis. Kaloka ka.” Pagsuko nito sa akin na lihim ko namang ikinatawa.
Napailing na lang ako ng tingnan ko si She-she na nakasimangot habang inuubos nito ang juice na binigay ko.
“Nga pala, may pinapasabi sila Tsang Esteng sayo.” Bigla itong nagsalita at humarap sa akin.
“Ano yun?”
“Sa isang lingo ka na raw magdeliver ng gulay at hindi sila luluwas ngayong sa Manila. Maghahanda ata para sa nalalapit na fiesta.”
“Ganoon ba, sayang naman. “ nanghihanayang ako at mababawasan ang kita namin sa gulay ngayong lingo pero may dinadalhan pa naman ako na ibang tindera sa palengke, doon na lang siguro ako magrarasyon ngayon lingo ng mga gulay.
“Oo weh, oh siya..” Inilagay na nito ang baso na ginamit nito sa maliit namin lababo.” Mauna na ako bago ako tuluyang maloka sa’yo, hane.” At dinampot pa nito ang isang maliit na basket na pinatong nito sa center table ng sala namin. Malamang ay inutusan na naman itong mamalengke ng Nanay nito na si Aling Precy pero mas inuna pa nitong makipagchikahan sa akin bago pumunta ng palengke.
“Oh sige, mag-ingat ka. Itext mo na lang ako kung sakaling magbago ang isip nila Tsang Esteng mo at magpadala sila ng gulay, sabihan mo ako agad.” Paalala ko sa kanya.
“Okay, sana lang ay matanggap agad ng di keypad mong cellphone ang text ko nuh.” Hanggang sa huli ay panglalait nito sa akin, hindi ko talaga maisip kung bakit ako nagkaroon ng bruhang kaibigan na katulad nito. Napailing na lang ako sa katotohanang iyon. Tiningnan ko pa ang kamay nitong winawagayway sa hangin habang papaalis ito ng bahay namin.