bc

My Suspicious Husband (Tagalog)

book_age16+
816
FOLLOW
3.8K
READ
love after marriage
pregnant
self-improved
single mother
drama
bxg
brilliant
female lead
city
like
intro-logo
Blurb

Isang maganda at matalinong babae si Lyka, but her intelligence is not enough to control her emotions and feelings for a man that she believes…her destiny.

Hanggang sa nabuntis ito at iwan ni Leo. Ang lahat ng sakit ng kahapon ay pinilit nitong kalimutan at lagpasan sa tulong ng pamilya.

Lahat ng pag-aaruga at pagmamahal ay ibinigay nito sa pinakamamahal nitong anak na si Allison, ang nag-iisa nitong prinsesa. Lumaki itong masayahin at matalinong bata...

Dumaan ang limang taon at nagbalik muli si Leo ang ama ni Allison. Sinubukan nitong makilala ang anak nito kay Lyka, ngunit tinulungan ni Lance si Lyka na mailayo si Allison kay Leo.

Si Lance ang kuya ni Jane na bestfriend ni Lyka. Successful, mabait at responsableng lalake, ito ang mga katangiang ni Lance na naging dahilan kung bakit nahulog agad ang loob ni Lyka dito at napaibig ito.

Gagawin nito ang lahat para tulungan si Lyka at Allison laban lay Leo. Ngunit hanggang kailan kaya lalaban si Lyka kung ang pagmamahal ni Lance dito ay mayroong tinatagong lihim? Malalagpasan kaya ng dalawa ang unos sa pagmamahalan nila at makapagsisimula ng bagong buhay kasama si Allison?

Abangan...

chap-preview
Free preview
Prologue- Madilim na Nakaraan
        "Bakit mo ito nagawa sa amin Lyka?" umiiyak na tanong ng kanyang Nanay.         "Hindi ba’t ang sabi mo ay magtatapos ka pa ng pag-aaral?Anong nangyari anak?" Halos madurog ang puso ni Lyka ng marinig niya ang pag-iyak ng kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang Tatay.           Bakit nga ba siya humantong sa ganitong sitwasyon? Napakamalas ba niya para maranasan ang lahat ng ito?           Kasalasan lahat ito ng taong pinagkatiwalan niya ng gabing iyon, wala itong kasing sama! At pinagsisihan niyang ipinagkaloob niya ang kanyang sarili sa isang taong katulad nito.           "Leo?" Kinabahan bigla si Lyka ng itulak siya ng kanyang boyfriend na si Leo sa pader ng kuwarto nito.           Ang sabi nito ay birthday ng Mama nito kaya sumama siya sa bahay nito para batiin sana ang Mama nito. Pero wala siyang naabutan sa bahay pagdating nila doon kung hindi sila lang dalawa. Nakita pa niya ang mga bote ng alak na halatang kauubos lang ng laman.           "Huwag ka ng pakipot Lyka! Matagal na akong nagtitimpi sa iyo ah. Alam mo ba yun? Baka pag hindi kita matantiya dyan, sabi ko sa iyo.” Halatang nakainom na ito sa tono pa lang ng pagkakasabi nito sa mga binitiwang salita nito sa kanya.           Doon na biglang sumibol ang kaba sa dibdib niya lalo na at sila lamang dalawa ang nandoon sa bahay nila Leo.           At wala nga siyang nagawa ng pilitin siya nitong makipagtalik at pilit nitong ginigiit ang relasyon nilang dalawa at kung ano ang dapat na mangyari sa kanila ng gabing iyon.           At buong tapang na ipinagkaloob ni Lyka ang kanyang p********e kay Leo. Mahal niya ito, at handa siyang gawin ang lahat para rito.           At hindi niya akalain na magbubunga ang isang gabing p********k nila ni Leo na ngayon ay hindi niya mahagilap simula ng sabihin niya na isang buwan na siyang delayed.Tandang-tanda pa niya ang mga sinabi nito sa kanya.           "Ano!? Paanong nangyari iyon? Isang beses lang nating ginawa iyon di’ba?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Halos pagsakluban siya ng langit at lupa ng marinig niya ang unang ekspresyon nito ng malaman nitong nabuntis siya.           Halatang hindi ito masaya at wala itong balak na panagutan ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi naman na sila menor de edad kung tutuusin at magbebente na sila pareho pero bakit ganito ito umasta na para bang mga highschool na mga estudyante sila na dapat ikahiya ang nangyari sa kanila? Hindi ba’t ito pa nga ang gustong may mangyari sa kanila ng gabing iyon?           "Ipalaglag mo yan..." Mahina nitong pagkakasabi ngunit sapat para maintindihan niya ang gusto nitong mangyari.           Ang patayin niya ang magiging anak nila!           Wala siyang nasabi ng marinig niya ang naging sagot ni Leo sa problema nila, napuno ng galit ang puso niya. Wala siyang ibang gustong gawin ng mga sandaling iyon kung hindi ang umiyak ng umiyak.  At literal niya itong gustong saktan dahil sa mga sinasabi at gusto nitong gawin niya sa magiging anak nila.           "Ano? Bakit ko ipapalaglag ang batang ito? Leo, dugo't laman mo ang batang ito! Kung ayaw mo kaming panagutan,hindi kita pipilitin," mariin niyang saad dito. "Pero huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin lalo na sa magiging anak ko kahit kailan! Dahil para sa akin patay ka na sa puso at isipan ko! Walanghiya ka!" Matapang at puno ng galit ang puso niya ng sambitin niya iyon sa harap ni Leo at wala siyang pinag-sisihan na sinabi niya ang lahat ng iyon dahil wala itong kuwentang tao.  Kung mayroon man siyang pinagsisihan ay nang ibinigay niya ang sarili at buo niyang pagkatao dito, lalo na ang pagmamahal na ibigay niya dito ay isang malaking pagkakamali.           "Dahil hindi pa ako handa na maging ama,Lyka. Oh baka naman hindi sa akin yan?" Sumilay ang pagdududa sa mukha nito at doon lalong kumulo ang dugo niya na umabot na ata hanggang ulo.       "Ayaw mo na ngang panagutan ang magiging anak natin,tapos ngayon pagdududhan mo pa na hindi mo ito anak?" Gusto sana niya itong murahin ng harap-harapan pero nanatili pa rin siyang may dignidad na tao kaya pinigil na lang niya ang sarili. At sa huli ay isang malakas na sampal na lang ang ipinamalas niya kay Leo. Halos mabiling ang mukha nito sa sobrang lakas ng pagkasampal niya at talagang ibinuhos niya ang buo niyang lakas na mayroon siya sa sampal na binigay niya kay Leo upang ipamalas ang galit at poot na nararamdaman niya para rito.           At simula ng araw na iyon ay wala na siyang nabalitan pa kay Leo maliban sa sinabi ng matalik na kabigan nito na si Jerome na umalis daw ito kasama ang Mama nito patungong Batangas dala ang mga gamit.           Hindi na siya nagtaka ng gawin nito ang bagay na iyon lalo na at gusto nitong ipalaglag niya ang magiging anak nila. Kahit na halos kung tutuusin ay isang buwan pa lang itong nabubuhay sa sinapupunan niya.           At mas pinili na lang niyang ipagtapat sa kanyang mga magulang sitwasyon niya. Nagdasal siya n asana ay maintindihan at damayan siya ng mga ito lalo na at kailangang-kailangan niya ng karamay ng mga oras na iyon.         "Anak,paano na ang mangyayari sa pag-aaral mo ngayon?" Ang Tatay niya ang unang nagkalakas ng loob na tanungin siya pagkatapos niyang ipagtapat sa mga ito ang nangyari sa kanila ni Leo.           Mabait ang kanyang Tatay at ito ang nagpapalakas ng loob niya para lagpasan ang pagsubok sa buhay niya ngayon. Samantalang ang kanyang Nanay ay napuno ng galit sa kanya at halos ay isumpa na siya dahil sa nangyari.           "Mag-aaral pa rin po ako Tay…Ipagpapatuloy ko po ang pag-aaral ko kahit ganito ang sitwasyon ko."Ang tinutukoy niya ay ang pagbubuntis niya at mabini niyang hinimas ang pipis pa niyang tiyan na parang doon gustong humugot ng lakas.           Niyakap siya ng kanyang Tatay at tuluyan na siyang napahagulgol ng maramdaman niya ang mahigpit nitong yakap sa kanya.Tila isa iyong pagkakataon para maihinga niya ng lahat ng sama ng loob niya ng mga oras na iyon. At buong tapang niyang haharapin ang buhay niya kasama ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.           "Nasa likod mo lang kami anak. Makakatapos ka rin ng kolehiyo kahit na magkakaanak ka na dahil susuportahan ka namin. Kayo ng magiging apo namin ng Nanay mo." Pangako ng kanyang Tatay at bahagya nitong luwagan ang pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luhang tumulay sa kanyang pisngi.           Hindi man kumibo ang Nanay niya ay ramdam naman niyang hindi ganoon kasama ito upang itatwa siya nito dahil sa nangyari sa kanya.           Lahat ay gagawin niya upang malagpasan niya ang dagok na dumating sa buhay niya. Sisiguruhin niyang magiging mabuti siyang magulang sa kanyang magiging anak. Palalakihin niya ito na puno ng pagmamahal at pagsuyo kahit wala itong ama. Kakayanin niya at pilit niyang lalagpasan ang lahat para sa kanyang magiging anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
89.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

The Ex-wife

read
232.2K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.8K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
341.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook