Col’s POV Buti na lang ay madaling araw na dahil kung hindi ay mapapagpiestahan ako sa social media. Bumyahe lang naman ako na basag ang salamin at tadtad pa ng bala ang harap ng sasakyan ko. Great design right? Bumusina ako ng ilang ulit kaya pinagbuksan nila ako na may namimilog na mga mata. Pinarada ko ang kotse at hinimas ang panga ko. Shit, masakit yung takong nya pero mas masakit yung tigas ng bungo nya. Wala ba silang ipapadala na kasing tangkad ko manlang? Nahihirapan ako lumaban sa maliit eh. Dim na ang ilaw sa paligid kaya mabilis akong pumunta ng kusina at kinuha don ang first aid kit. Hindi ko na binuksan ang ilaw para hindi pansinin. Hinilamusan ko muna ang mukha ko at binuksan na ang alcohol at binuhos ito sa bulak. Kinagat ko ang lower lip ko at idadampi na sana sa ban

