Col’s POV Dalawang araw nanaman ulit ang lumipas at ako naman ng umiiwas saming dalawa. At bakit nga ba ako umiiwas? Dahil lang naman yun sa mga huling salitang binitiwan nya! Ang ganda mo talaga. Kada maririnig ko yung may pagkaseryoso at buong hanga na tinig nya habang sinasabi nya yan sa isip ko ay hindi maiwasan ng puso ko na tumibok ng sobrang bilis na pati yung sistema ko eh hihinto para lang pakiramdaman at pakinggan yung t***k ng puso ko. Hindi kaya.. hindi kaya sinumpa ako ni France na mafafall ako sa anak nya?! Damn.. and I know to myself na nahuhulog na ang loob ko sa anak nya. Napahinto ako sa pagpapa-ikot ng lapis sa kamay ko habang nag-iisip ng mga bagay. Kung nahuhulog na ang loob ko kay Frances ay malaking problema yun. Una sa lahat, legal ang kasal namin ni France at

