"I'VE HEARD good news. Congratulations that you've finally back on your senses, my dear Grimson." Sa komento ay napatingala si Grimson mula sa mga binabasang papeles. Kilala niya ang boses at iyon ang isang boses na karapat-dapat na tingalain---ang may-ari ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho at paborito rin niyang Lola. Paborito in a sense na dahil wala naman siyang pagpipilian. Si Alexandra Valle na lang kasi ang Lola niya at tumatayo rin na guardian niya sa maraming taon. Pareho ng patay ang mga magulang niya. "Nasa opisina tayo, Grandma. Pag-usapan na lang natin ang negosyo, hindi ang personal na buhay ko." "I'm the boss. I make the rules. Wala naman sa patakaran na ginawa ko na hindi puwedeng makipag-usap ng personal life sa loob ng kompanya. And besides, I am your grandma. I ca

