GULONG-gulo si Grimson nang makauwi siya ng condominium unit niya. Buong maghapon niya na inisip ang mga sinabi ng Lola niya sa kanya. It was good offer. Pero may pag-aalinlangan siya. Hindi naging maganda para kay Grimson ang break-up nila ng ex girlfriend niya. Their relationship was a failure. Tumatanda na rin siya. Kung mauulit ulit ang nakaraan, maayos ba ulit nila iyon? Pumunta si Grimson sa kuwarto niya. Hinalungkat niya ang cabinet para hanapin ang isang box roon. Binuksan niya iyon at kinuha ang picture frame na may larawan nilang dalawa ni Sabina. It's been a while since he opened the box. Sa tuwing naiisip niya kasi si Sabina ay pinipigilan niyang buksan iyon. They were over. At ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Pero sinusubukan siya nang Lola niya. At napakagandang deal n

