SUNSET Ang sarap sa pakiramdam na hindi ko na makikita ang tao na nagbigay ng sama ng loob sa ‘kin. Digital na nga talaga ang karma. Blessing in disguise ang pagdating ni Ryker dahil siya ang gumawa ng paraan para alisin sa landas ko ang taong kahit pinakitaan ko ng kabutihan ay kasamaan pa rin ang igaganti sa akin. Hinihintay namin ang pagdating ng susunod na professor. Lumabas muna ako para pumunta sa banyo. Sinipat ko muna ang sarili sa salamin bago pumasok sa cubicle. Natatawa na lang ako ng naalala ko ang naganap sa pagitan naming dalawa ni Lorrie dito sa banyo. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko siyang ingudngod sa inodoro. Swerte pa nga siya dahil malinis ang bowl. Paano kung nagkataon na may estudyanteng nakalimutan mag-flush? Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin

