SUNSET Pasimple kong sinulyapan si Reece, alanganin itong ngumiti at kaagad nag-iwas ng tingin. Mukhang alam ko na kung sino ang tinawagan nito. “I'm here for my wife,” sagot niya kay Mr. Llamares. Tinapunan ko ng tingin si Lorrie na tila natulala sa sinabi ni Ryker. Ewan ko na lang kung hindi pa s'ya maniwala kung sa mismong bibig na ni Ryker nanggaling ang salitang asawa. Nang balingan ko si Mr. Llamares, bagamat bakas din ang gulat sa mukha nito dahil sa narinig ay tumango-tango na lamang ito na tila naintindihan kaagad kung ano talaga ang ugnayan namin ng bagong dating. “What happened here?” tanong ni Ryker kay Mr. Llamares. Simula ng pumasok siya ay hindi niya tinapunan ng tingin si Lorrie kaya lihim na nagbubunyi ang puso ko. Wala siyang ibang nakikita sa paningin niya ku

