SUNSET Tumagilid ang mukha ni Lorrie sa malakas na sampal ko. Kulang pa ang ginawa ko. Hindi pa ako tapos. Hindi makapaniwala na hinarap niya ako. “What the f**k is your problem?” tanong niya habang sapo ang pisngi kung saan dumapo ang palad ko. Kung magtanong siya ay parang wala siyang ginawa sa akin. Isa-isahin ko kaya ang ginawa niya para malaman niya kung gaano kasama ang ugali niya? “Ikaw lang naman ang problema ko, Lorrie. Masakit ba, ha? Kulang pa ‘yan sa mga ginawa mo sa ‘kin!” gigil na asik ko sa kanya. Mayamaya lang ay awtomatikong dumapo ang kamay ko sa buhok niya. Hinablot ko ito dahilan para tumili siya at ang mga kasama niya. “Bitiwan mo ‘ko, Sunset!” sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya. “Hindi pa ako tapos maningil, Lorrie. Nagsisimula pa lang t

