SUNSET May mga bilin ang doctor na kailangan kong sundin. At para makabawi kaagad ng lakas ay nakikinig ako sa bawat sinasabi ni Ryker. Huwag ko na raw muna isipin ang pagpasok ko dahil naka-excuse na raw ako sa mga professors ko. Hindi ko na tinanong kung paano niya ginawa ng hindi nalalaman ng mga professors ko na mag-asawa kaming dalawa dahil wala naman imposible para sa kanya. Pagdating namin sa mansion ng umaga, nang sumapit ang hapon ay dumating ang magulang ko. Labis ang pag-aalala nila sa akin ng malaman nilang nakunan ako. Si nanay, daig pa ang nawalan kaysa sa ‘kin kung umiyak. Magkaka-apo na raw sana siya pero nawala pa. Ang sabi ko naman ay baka hindi pa time para magka-anak kami ni Ryker. Madali lang sa ‘kin na sabihin iyon pero sobra ang paghihirap ng kalooban ko. Kahit

