Chapter 79

1578 Words

SUNSET Bahagya akong kumilos. Pagmulat ko ng mata ay puting kisame ang bumungad sa mga mata ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa loob ako ng isang silid pero natitiyak kong hindi ito ang silid namin ni Ryker. Kumunot ang noo ko ng may tila nakahawak sa kamay ko. Nang tapunan ko ito ng tingin ay tumambad sa harap ko ang asawa kong mahimbing na natutulog. “M-Moony,” mahinang usal ko. Nararamdaman ko pa rin ang panghihina ko. Parang naubusan ako ng lakas ng hindi ko mawari. Napabaling ang tingin ko sa pintuan ng bumukas ito. Si Ate Mercy ang pumasok na kaagad namilog ang mata ng makitang gising na ako. “Señorito, gising na si Señorita Sunset.” Pukaw nito kay Ryker na kaagad nag-angat ng mukha. Parang natulala siya ng makita ako. At nang makabawi ay binalingan niya si Ate

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD