SUNSET Naghalungkat ako sa closet na pwede kong ibalot sa katawan ko. Hanggang sa nakita ko ang jacket na pinahiram niya sa ‘kin. Mabilis ko itong sinuot at nagmamadaling lumabas ng unit ko. Kakatok sana ako sa unit nila Seff at Bucke para ihatid nila ako pero hindi ko na ginawa dahil baka malalim na ang tulog ng mga ito. Nang nasa loob na ako ng elevator ay hindi ko napigilan pasadahan ng tingin ang repleksyon ko mula sa pader ng elevator. Sinara ko ang zipper ng jacket na suot ko. Ngayon ko lang na-realize na sa sobrang pagmamadali kong puntahan si Ryker ay hindi na ako nakapag-suot ng bra. Natigilan ako ng dumapo ang tingin ko sa singsing na suot ko. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at napabuga ng hangin ng sumagi sa isip ko si Mr. Trevino. Pagdating sa lobby, sa halip na

