Chapter 46

2214 Words

SUNSET Bahagya akong kumilos. Pagmulat ko ng mata ay malaking silid ang bumungad sa ‘kin. Dahan-dahan akong bumangon dahil nakakaramdam pa rin ako ng bahagyang pagkahilo. Umalis ako sa kama at tinungo ang pintuan. Pinihit ko ang seradora ngunit hindi ko ito mabuksan. Kumatok ako at nakikiusap na palabasin. Ngunit halos mapaos na yata ako ay wala pa rin nagbubukas ng pintuan. Nilibot ko ang mata sa loob ng silid, naghanap ako ng pwede ko magamit para makalabas ako dito. Naghalungkad ako sa mga drawer ngunit bigo ako makakita ng bagay na makakatulong sa ‘kin. Mayamaya lang ay napahinto ako ng makita ko na tila may bumubukas ng pintuan. Kinuyom ko ang kamao ko. Kahit wala akong gamit panlaban ay susugod ako. Nang bumukas ang pintuan ay walang pag-aatubiling tumakbo ako. Ngunit napahinto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD