SUNSET Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Vierra. Mas gusto niya raw dito dahil ayaw niyang ma-expose sa karamihan. Parang gusto kong sabihin na ayaw pala niyang ma-expose, bakit pumunta siya sa mataong lugar? At gaano kahalaga ang pag-uusapan naming dalawa at talagang sinadya pa niya ako dito? “Are you comfortable?” “Yes. Hindi naman ako maarte para pumili pa ng lugar na magiging komportable ako,” makahulugang sabi ko. Pagak itong tumawa kaya binalingan ko siya. “I know that you are referring to me, Sunset. Tayo lang dalawa ang narito kaya ‘wag kang mahihiya na diretsahin ako.” “Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin dahil naghihintay sa ‘kin si Reece,” walang gana na sabi ko. “Reece? You mean, Reece Zaxton?” Hindi ko siya sinagot, sa halip ay seryosong tumingi

