SUNSET Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa sinabi nito. Alam naman siguro niya ang kanyang limitasyon. Alam niya na ayaw ko pa ibigay ang virginity ko kaya baka wala naman siyang balak gawin kung ano man ang pumapasok sa isipan ko sa mga oras na ito. Hindi ako sumagot, sa halip ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at kinapa ng daliri ko ang labi niya. Ang lambot ng labi niya, para itong nang-eengganyong halikan siya. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko. Mayamaya lang ay dumampi na sa mukha ko ang mainit at amoy mint niyang hininga. Napapaisip tuloy ako kung ano ang reaksyon niya sa naging response ko sa sinabi niya. Huminto ako at sumimangot. “Bakit pakiramdam ko, nang sinabi mong hindi ka naman kagwapuhan ay palusot mo lang?” puno ng pagdududang tanong ko. Malutong siyan

