SUNSET Nakita ko na siya. Kaya pala napagkamalan ko na siya si Ryker ay dahil may pagkakapareho ang built ng katawan nilang dalawa. He is Ryker's father! Pero parang hindi nagbago ang mukha niya sa personal at sa family picture na nakita ko sa kwarto ni Ryker. Bata pa ang asawa ko sa picture na ‘yon, at ngayon na malaki na si Ryker ay parang walang nagbago sa itsura ng ama nito. Parang hindi ito tumatanda, kundi bumabata. His appearance does not reflect his age. He is timeless. Saka ko lang napagtanto na sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Para akong naestatwa sa pwesto ko habang nakatingin sa kanya. Nakaka-intimidate ang mga titig niya. Ganitong titig din ang nakita ko noong unang paghaharap namin ni Ryker. Pero sa pagkakataong ito ay parang mas matigas pa siya kaysa sa

