SUNSET Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago nagbuga ng hangin. “Handa na po ako makinig, sir. Gusto ko pa po makilala ng lubusan ang anak ninyo.” Sumilay ang malapad na ngiti sa labi nito. “Good.” Binaling niya ang tingin sa malaking TV. Gamit ang remote ay may binuksan siyang isang files. Sa bilis nitong pumindot ay hindi ko nabasa ang nakasulat dito bago binuksan. Bumulaga sa harap ko ang larawan ng isang may edad na ngunit taglay pa rin ang pagiging maganda nitong lalaki. Nagsalubong ang kilay ko dahil parang may kahawig ito. “This is Romano Zaxton.” Zaxton? Apelyido ni Reece ‘yon ah. “And this is Rhona Zaxton, Romano's wife. They have two children, Ravi Theodore Zaxton and Reece Thearessia Zaxton.” Kaya pala may kahawig dahil anak nito si Kuya Ravi at Reece. At h

