SUNSET Akma siyang lalapit sa ‘kin pero tinapat ko ang kamay ko para pahintuin siya. Nakikiusap naman na tingin ang ipinukol niya sa akin. “Huwag mo akong tingnan ng ganyan, De Luca. Hindi ako madadala sa mga nakakaawa mong tingin,” nakataas ang kilay na sabi ko. “Hayaan mo muna kasi ako magpaliwanag, Misis ko.” “Kapag sinabi kong ayoko marinig ang paliwanag mo, ‘wag mong ipilit.” “God damn it!” Narinig kong sabi niya. Muli ko siyang pinamaywangan. “Minumura mo ba ako, Ryker Maximus De Luca?” Napuno ng pagkabahala ang mukha niya. “Of course not—” “Huwag kang lalapit. Saka mo na lang ako kausapin kapag nag-sink in na sa utak ko ang lahat.” Pigil ko sa kanya ng akma niya akong lalapitan. “What? Paano kung matagal pa?” “E, ‘di maghintay ka!” Nakairap na tinalikuran ko siy

