SUNSET Sabay kami kumain ng hapunan pero wala kaming imikan na dalawa. Wala akong balak na kausapin siya dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya. May pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatingin sa ‘kin. At kapag nagtatagpo ang mata naming dalawa ay katakot-takot na irap ang inaabot niya mula sa ‘kin. “Ate Mercy, may asawa ka po?” Basag ko sa katahimikan. Dahil wala rin naman kaming imikan ng magaling kong asawa, pinasya kong sabayan kami ni Ate Mercy. No'ng una ay ayaw pa nito pero ng si Ryker na ang nagsalita ay wala itong choice kundi sundin ang amo nito. “Oo, señorita. Labing limang taon na kaming mag-asawa. Katunayan nga niyan ay sinagot nina Sir Rick ang kasal naming dalawa ng asawa ko.” Tumango-tango ako. “Ang tagal n'yo na po pala, ano?” “Oo. At sigurado akong magtatagal

