Chapter 1

1344 Words
SUNSET Ala syete ng gabi, araw ng Miyerkules ay binabagtas ko ang daan patungo sa shop na pinapasukan ko. Walang bituin sa langit ng tumingala ako. Masyadong madilim ang kalangitan ngunit nagliliwanag ito sa tuwing gumuguhit ang kidlat na tila nagbabadya ng pagbuhos ng ulan. Mayamaya lang sunod-sunod nang pumatak ang tubig sa balat ko. Nang matanaw ang waiting shed malapit sa pedestrian lane ay tumakbo na ako para sumilong dito dahil lumalakas na ang patak ng ulan. "Ang malas ko naman." Kinuha ko ang panyo sa bag ko para ipunas sa balat ko. Pagkatapos magpunas ay binalik ko sa loob ng bag ang panyo at kinuha ang phone ko para tawagan ang manager ko. I was about to press the call button when four men arrived. Tatlo sa kanila ay nakasuot ng itim na suit. Ang isang lalaki ay may dalang itim na payong at nakatapat sa lalaking matangkad na nakasuot ng kulay itim na coat. Hindi ko masyado maaninag ang mukha nito dahil hindi ganoon kaliwanag sa sinisilungan namin. Bukod dito ay may suot itong itim na sumbrero at face mask. "Pumunta ba sila ng burol?" Lahat kasi sila ay itim ang suot. Pumuwesto ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit sa unahan ng lalaking may sumbrero. Ang isa naman ay sa gilid malapit sa akin. Para itong mahalagang tao kung paano nila bigyan ng seguridad. Sabagay, halata sa pananamit nito na parang malaki ang ambag nito sa lipunan. Pero ano naman ang ginagawa ng katulad niya sa lugar na ito? Pasimple kong pinilig ang ulo ko at sinimulan ng tawagan ang manager ko. Nagiging observant na naman kasi ako. "Ma'am, pasensya na po, male-late po ako ngayon. Naabutan po kasi ako ng ulan. Malapit na po sana ako riyan e," paliwanag ko ng sagutin nito ang tawag ko. "Gusto mo bang ipasundo kita riyan kay James?" Malawak akong ngumiti. "Okay lang po ba, ma'am? Mukhang matagal pa po yata titila ang ulan e," tugon ko. "Sige, nasaan ka ba?" "Tawid lang po, ma'am. Sa waiting shed po. Malapit sa pedestrian lane. Hihintayin ko po si James." "Okay, sige. Uutusan ko ng puntahan ka.” Napangiti ako pagkatapos ko makipag-usap sa manager ko. Laking pasalamat ko talaga kay Ma'am Lalaine dahil mabait siyang manager sa mga staff niya. Kapag walang masyadong customer ay siya pa ang nagpapaalala na harapin ang mga notes ko lalo na kapag may exam. Bukod kasi sa trabaho ko sa gabi ay may pasok ako sa umaga. Kumukuha ako ng Culinary Arts sa D'Amico University. Huling taon ko na ngayon at kailangan ko pagbutihin ang pag-aaral lalo na at scholar ako. Hindi ko magawang ipagpalit ang trabaho ko sa ibang gusto mag-offer sa akin kahit malaki ang sahod dahil masuwerte na ako sa manager ko maging sa mga kasama ko sa Midnight Café, ang shop na pinapasukan ko dito sa Makati. Maliban sa bahay, ang shop na ang naging pangalawang tahanan ko dahil para ko na ring pamilya ang mga kasama ko. "Boss, parating na raw sila," dinig kong wika ng lalaking may hawak na phone. "Tell them to hurry because I'm running out of patience with them," mahina ngunit puno ng awtoridad na sabi ng lalaking nakasuot ng sumbrero at facemask. Mayamaya lang ay napatili ako ng lumakas ang hangin. Ang siste ay napunta ang tubig ulan sa waiting shed. Napausog ako malapit sa lalaking nakaitim. Ang lalaki naman na nasa unahan ay hinarang ang payong para hindi mabasa ang lalaking nakasumbrero. "Miss, umusog ka," utos ng lalaking katabi ko na pala. Inismiran ko ito. Ang arte naman. Binili ba nila itong waiting shed at kung utusan niya ako ay parang pag-aari nila ito? Hindi sinasadyang natapunan ko ng tingin ang lalaking nakasuot ng sumbrero. Ilang segundo napako ang tingin ko sa kanya. Kahit kaonting liwanag lang ang mayroon sa kinaroroonan namin ay kitang-kita ko na napatingin siya sa akin. Nag-iwas na ako ng tingin ng napagtanto ko na napatagal na ang titig ko sa kanya. Kakaiba siya tumingin’ parang tumatagos sa kasulok-sulokan ng pagkatao ko. Ilang sandali lang ay natanaw ko na rin si James na palapit sa waiting shed. "Settie!" tawag nito sa akin. "Isa lang ang dala mong payong?" salubong ang kilay na tanong ko habang nakatingin sa payong na dala nito. Alanganin itong ngumiti sabay kamot sa ulo. "Nawala ang mga payong sa shop e,” pilyong ang ngiti sa labi na sabi nito. I rolled my eyeballs. Lumayo ako rito ng akma nitong ilalagay ang kamay sa balikat ko para akbayan ako. "Huwag mong susubukam, James. Makakatikim ka talaga sa akin," pagbabanta ko rito. "Oo na. Baka lang makalusot. Palibhasa kasi ang dami mo manliligaw sa D'Amico," katwiran na sagot nito. "Siraulo!" Binatukan ko siya ngunit tinawanan lang niya ako. Mabuti na lamang ay malaki ang payong na dala nito. Hindi ko kailangan sumiksik rito para hindi mabasa ng ulan. Nakarating kami sa shop na basang-basa ang suot kong slacks. Mabuti na lamang ay may extra si Mira, kasamahan ko sa shop kaya pinahiram niya ako. Naging abala kami kahit maulan sa labas. Kumpara sa ibang shop ay marami ang customers ng shop namin. Coffee is life, sabi nga ng iba. Nang humupa ang tao dahil malapit na maghating-gabi ay inabala ko na ang sarili ko sa pag-aaral. Alas dos pa ang uwi ko kaya sinasamantala ko ang pagkakataon para makapag-aral. Pag-uwi ko kasi ay hinihila na ako ng higaan para matulog. Masyado akong focus sa pag-aaral kaya hindi ko na namamalayan ang mga pumapasok sa shop. Hindi rin ako inaabala ng mga kasama ko dahil alam nilang importante ang pinag-aaralan ko. Ako lang kasi ang working student sa amin kaya naiintindihan nila ako. Naantala lang ng bigla pumasok sa isip ko ang lalaki na nakatitigan ko kanina. Pinilig ko ang ulo para iwaksi ang pagsulpot ng lalaki sa isipan ko. Isa sa iniiwasan ko ay ma-attract sa lalaki dahil ayoko mawala sa focus. Kapag may stable job na ako ay sinabi ko sa magulang ko na saka ako papasok sa isang relasyon bagay na sinang-ayunan naman nila. Maluwag sa akin ang magulang ko dahil may tiwala sila sa akin. Sila pa nga ang nagtutulak sa akin para magpaligaw pero ako lang ang ayaw. Pagkatapos mag-aral ay niligpit ko na ang mga notes at libro ko. Nang mag-angat ako ng mukha ay natigilan ako. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi kalayuan ay may lalaking nakaupo, sa mismong tapat ko. Tila pamilyar sa akin ang bulto niya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Nag-iisa lang siya sa mesa habang umiinom ng kape. "Tapos ka na, Settie?" tanong ni James nang lumapit sa ‘kin. "Oo,” tipid kong sagot at muling sinulyapan ang lalaki. "Ihahatid ulit kita mamaya, ha?" presenta niyang muli. Ilang beses na kasi niya akong hinahatid sa bahay. Pero ng nahalata ko na may nais itong ipahiwatig ay tinatanggihan ko na siya. Ang buong akala ko kasi ay dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin kaya hinahayaan ko lang siya. "Kaya ko na, James. Huwag ka na magpumilit kung ayaw mong magalit ako sa 'yo," maagap na tugon ko. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. Tumayo na ako at inakbayan ito— akbay ng isang kaibigan. "Sa iba mo na lang ibaling, James. Kailangan ko mag-focus sa pag-aaral lalo na at malapit na ako magtapos. Mas tatagal ang relasyon natin bilang mag-kaibigan kaysa pumasok sa isang relasyon. Alam mo naman na hindi pa ako handa, hindi ba? Marami pa ako pangarap sa buhay lalo na sa magulang ko. Sana naiintindihan mo ako," prangkang sabi ko rito. "Hihintayin kita," giit niya. Kinuha ko na ang bag ko at binigay sa kanya. "Ikaw ang bahala. Basta sinabihan na kita. Hindi ko kasalanan kapag naghintay ka ng matagal. Wala ka mapapala sa 'kin, James," nakangiti kong sagot saka iniwan siyang tahimik. Nang tapunan ko ang lalaki ay nakatingin ito sa likuran ko bago awtomatikong tumingin sa akin. Para akong nahipnostismo ng ilang segundo ng magtama ang aming mga mata. Parang pamilyar talaga ang mukha niya sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD