SUNSET Habang palapit ang lolo ni Ryker ay hindi ko inaalis ang mata ko dito. Kung paano ko siya hinarap no'ng una naming pagkikita ay gano'n din ang gagawin ko ngayon. “Apo, mabuti naman at nandito ka na. Investors and board members of De Luca Industry are looking for you,” bungad na sabi nito kay Ryker. “Sige. Pupuntahan ko sila mamaya.” Tumango-tango ito. Mayamaya lang ay binalingan niya ako. “How are you, hija?” Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Bakit parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Parang bumait yata ito ngayon? O baka naman nagpapanggap lang ito sa harap ko? “Okay lang po,” tipid kong sagot. Ayoko maging plastik pero kailangan ko magpanggap na okay kami kahit alam ko ang totoo. Hindi naman ako basta nakakalimot sa mga nangyari. Sariwa pa sa isipan ko kung p

